Joshua Garcia Nabaduyan sa Sarili Matapos Tingnan ang Kanyang Vlogs!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


 Inamin ni Joshua Garcia sa panayam ni Ogie Diaz na titigil na siya sa pagba-vlog.

Ayon kay Joshua parang hindi talaga para sa kanya ang vlogging kaya mas magfo-focus na lamang umano siya sa pag-arte. Inamin din ni Joshua na sinubukan lamang niyang magvlog noong naglockdown dahil wala siyang magawa at halos lahat ng artista ay sumubok sa vlogging.

“Halos lahat ng artista nagba-vlog noon. So sabi ko, ‘why not? Bakit di ko subukan?’ Pero malalaman mo kasi kapag para sa iyo,” ang pahayag ni Joshua. 

Ibinunyag din ni Joshua na naka-private na ang lahat ng kanyang videos dahil nang tingnan niya ay nabaduyan siya sa kanyang sarili at napatanong kung bakit niya ba ito ginawa noon.

“Pinrivate ko nga ang mga videos ko kasi nu’ng pinapanood ko nu’ng tumatagal, ‘ang baduy ko naman dito, bakit ko ba ginawa ito?’ So private muna. Baka pag-arte lang ang kaya kong gawin sa ngayon,” chika pa ng aktor.

Nilinaw naman ng aktor na tuloy pa rin siya sa pagti-TikTok.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo