Tanya Bautista, Excited na Sinundo si Vhong Navarro sa Taguig City Jail!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


 Agad na sinundo ni Tanya Bautista ang kanyang mister na si Vhong Navarro matapos lumabas ang desisyon ng korte na maari ng makapagpyansa si Vhong Navarro sa halagang isang milyon.

Makikita sa isang video na ibinahagi ng isang ABS-CBN reporter na si Niko Baua ang masayang expression ni Tanya Bautista sa pagsundo kay Vhong.

Ayon pa kay Tanya, isang magandang blessing para sa kanilang pamilya ang pagpayag ng korte na pansamantalang makalaya si Vhong Navarro matapos magbayad ng pyansa.

Tiyak magiging masaya na rin ang kanilang pasko. Tatlong buwan din ang ginugol ni Vhong Navarro sa loob ng piitan ng NBI Detention Center at sa Taguig City Jail.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo