Asawa ni Andrew Schimmer na Si Jho Rovero Puman@w Na!

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely

Binawian na ng buhay ang asawa ni Andrew Schimmer na si Jorhomy Reina Rovero o mas kilalang Jho Rovero matapos ang mahigit isang taong pakikipaglaban nito sa kanyang karamdaman sa hospital.

Emosyunal na ibinahagi ng aktor na si Andrew Schimmer na habang nasa GMA7 siya para sa taping ng Family Feud ay bigla na lamang siyang tinawagan ng mga doktor sa St. Luke's Medical Center na bigla na lamang nawalan ng BP ang kanyang asawang si Jho. Pati ang oxygen saturation nito ay bumaba rin.

Hindi na umano niya tinapos ang taping at kaagad na pumunta sa hospital. Humingi din siya ng paumanhin sa management ng GMA dahil kinakailangan niyang umalis. Naabutan pa niyang nire-revive ng mga doktor ang kanyang asawa.

Subalit sa kabila ng lahat ng makakaya ng mga doktor ay tuluyan nang namaalam si Jho. Labis na nalulungkot si Andrew dahil hindi na umabot ang kanyang asawa sa kaarawan ng kanilang bunsong anak.

Muli ay nagpapasalamat si Andrew sa lahat ng mga nagdasal at walang sawang nagbigay ng tulong sa kanilang pamilya sa pagpapagamot kay Jho.

Nangangako naman si Andrew na muling magbigay ng update hinggil sa burol ng kanyang asawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo