Jake Cuenca Hindi Atat Na Magkaroon ng Bagong Jowa!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam sinabing hindi nagmamadali sa paghahanap ng bagong girlfriend at mas nagfo-focus muna sa kanyang pamilya.

"To be honest, wala pa ako sa mood magka-girlfriend. Nandoon ako sa gusto kong bumawi sa pamilya ko. Gusto kong mag-provide, gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan," pahayag ng aktor.

Matatandaang Abril nitong taon ay kinumpirma ni Jake Cuenca ang hiwalayan nila ng tatlong taon relasyon sa girlfriend na si Kylie Verzosa.

Matapos ang ilang buwan, ipinagdidiinan ni Jake Cuenca na dadating din sa tamang panahon ang para sa kanya. Natutunan din umano niya kung paanong pasayahin ang kanyang sarili.

“Magkaka-girlfriend din naman ako pero isa sa natutunan ko these past six months na lumipas, a very valuable thing na natutunan ko is to be happy being alone. To learn to be self-sufficient, to learn to make yourself happy,” saad ni Jake.

Dagdag pa nito, "Mali na gawin kong responsibilidad ng ibang tao ang happiness ko. Kailangan sa akin manggaling ‘yon eh. Even my mom says that to me, kailangan manggaling sa iyo."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo