Herlene Budol Naging Emosyunal Nang Mayakap Ang Ina Ni Madam Inutz!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


Sa ibinahaging video ni Herlene Nicole Budol sa kanyang Facebook account, makikita ang kanyang pag-iyak habang nakayakap sa ina ng kaibigan na si Madam Inutz.

Pumunta si Herlene Budol sa house blessing ng kaibigang si Madam Inutz, doon niya nayakap ang ina nito na ayon sa kanya ay may parehong balat ng kanyang namayapang Nanay Bireng.

“Ganto rin 'yung balat ng nanay ko. Nami-miss ko na 'yung nanay ko,” pahayag ni Herlene sa video.

Sa Caption ay ipinahayag ni Herlene ang kanyang lungkot dahil hindi na naabutan pa ng kanyang Nanay Bireng ang bago niyang tahanan, na dati ay ipinangako niya. Ipinahayag din niya ang labis na pagkamiss sa kanyang Nanay Bireng.

“Yung nag attend ako ng House Blessing ni Ate Madam inutz at maka piling ko si Nanay Griselda. Ang saya makita isang Nanay yung achievement ng kanyang anak at nasaksihan nya 'yung bagong bahay ni Ate inutz. Naiiyak ako dahil ang bagal-bagal kong kumilos at hindi man lang nasulyap ni Nanay Bireng ang bagong bahay ko!

"Sobrang Namiss ko si Nanay. Nanay sana ma paginipan kita uli. Eto yung unang Pasko na hindi kita kasama. I love u Nanay Bireng ko!” caption ni Herlene sa kanyang video.

Samantala, sa comment section ipinahayag naman ni Madam Inutz na pamilya na rin ang turing niya kay Herlene kaya maaring ituring na ina ni Herlene ang kanyang ina.

“Nanay ko nanay mo narin!! Hindi ka naman iba sa pamilya ko kapatid Herlene Hipon Budol. We love you,” pahayag sa komento ni Madam Inutz.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo