Andrea Brillantes, Kinumpara sa 'Gold Fish' ng Mga Bashers!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


 Sa latest episode ng online program nina Cristy Fermin na Cristy Ferminute napag-usapan nila ang natanggap na bashing ni Andrea Brillantes matapos ipahayag na ito ang gaganap bilang panibagong Dyesebel.

Ayon kay Manay Cristy Fermin, may nagkumpara kay Andrea sa gold fish dahil umano sa height nito.

“Ang ipinangbibira ngayon kay Andrea, bansutin daw siya, napakaliit. Kaya kapag nilagyan ng buntot ay mukha na siyang goldfish, 'yun ang sabi. Nakakaloka 'no? Nakakaloka talaga. Isipin mo sa goldfish siya ikinumpara.”pahayag ni Manay Cristy Fermin.

Subalit ipinahayag naman ni Romel Chika na baka magaling naman sa paglangoy si Andrea at kakabugin ang naunang mga gumanap bilang Dyesebel.

"Baka naman pagdating sa paglangoy naman, ah baka kabugin naman ni Andrea ang lahat kasi diver," paghayag ni Romel. 

“Magaling siyang lumangoy. Diver sila ng nanay niya. Kaya 'wag po muna nating husgahan. Ika nga natin e hintayin po muna natin 'yung mga larawan kapag siya po ay gumanap nang bida ng 'Dyesebel’,” pagpupunto ni Cristy Fermin.

Sa huli ay ipinahayag ni Manay Cristy Fermin na magaganda naman ang mga gold fish at ang masakit kung tatawaging isang bisugo si Andrea.

“Yung gold fish, aba’y kaganda-ganda naman ng goldfish, diba? Ang masakit, 'yung, 'Ano ba naman itong gagawing Dyesebel na 'to, mukhang bisugo.'” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo