Rhian Ramos at Sam Verzosa, Inunfollow Ang Isa’t-Isa; Hiwalay Na Ba?

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media na baka nagkakalabuan na ang magkarelasyon na sina Kapuso actress Rhian Ramos at boyfriend nitong negosyante na si Sam Verzosa. Napansin kasi ng ilang mga marites na netizen, ang pag-unfollow umano nila sa isa’t isa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Subalit, kung titingnan naman ang kanilang mga post, naroon pa rin ang mga litrato ng isa’t-isa. Hindi kagaya ng ibang celebrity couples na nagkakalabuan na kaagad, burado na lahat ng litrato at videos nilang magkasama.

Matatandaang noong July 30 lamang ay inamin ni Rhian ang relasyon nila ng entrepreneur na involved sa isang beauty brand at marketing enterprise.

Sa ngayon ay pawang haka-haka lamang ng mga marites ang balitang ito. Hindi pa naman ito opisyal na kinumpirma nina Rhian Ramos at Sam Verzosa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo