Dina Bonnevie Agad Na Ipinagtanggol ng mga Fans Laban Kay Alex Gonzaga!

Biyernes, Disyembre 9, 2022

/ by Lovely


Bagama't hindi pinangalanan ni Alex Gonzaga kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang latest podcast, malakas ang paniniwala ng mga netizens na ang kanyang pinatatamaan ay walang iba kundi ang beteranang artista na si Dina Bonnevie.

Matatandang ayon sa ipinahayag ni Alex na may isang matandang artisyta na nang-okray sa kanya mula ulo hanggang paa sa isang taping ng teleserye sa ABS-CBN. Nagdulot din umano ito sa kanya ng trauma dahil sa labis na kahihiyan.

Kaya naman, to the rescue kaagad ang mga tagahanga ni Dina. Pinangaralan nila si Alex na dapat umanong irespeto ang nauna sa kanya sa showbiz.

“Alam mo kasi Alex si Dina napakapropesyonal na artista, nakita mo sa edad na yan, kaya nya pa pantayan ang talent fee mo, baka nga mataas pa sayo eh, minsan kc isasalugar mo din yung way ng pananalita mo Ayan nakakuha ka ng katapat… Tas mag susumbong ka sa madlang people.. Lalo ka lang mababash.." komento ng isang netizen.

“Feeling mo kc kung anu ginagawa mo s nanay mo magagawa mo din s ibang mga matatanda,wag mo gawing content kung anu ginagawa mo s parents mo,kc sila kilala mo na ugali,eh yung ibang tao.” hirit naman ng isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo