Coco Martin Hindi Napansin Sa Parade Of Stars, Mas Tinilian si Ian Veneracion!

Biyernes, Disyembre 23, 2022

/ by Lovely


 Sa latest Instagram post ni Manay Lolit Solis, nagbigay siya ng reaction hinggil sa kanyang mga naririnig sa naganap na Parade of the Stars ng nagbabalik na MMFF.

Ayon kay Manay Lolit, nakarating umano sa kanya ang mga usap-usapan na mas tinilian pa si Ian Veneracion kaysa kay Coco Martin.

“Naku Salve hindi gaano maganda ang balita sa naging reaction ng mga nanuod ng parada kay Coco Martin. Parang hindi daw nakilala si Coco at mas tinilian si Ian Veneracion,” saad ni Manay Lolit Solis.

Subalit, hindi naman umano naniniwala si Manay Lolit Solis sa ganitong bulungan dahil alam naman umano niyang sikat at marami ang humahanga kay Coco Martin.

“Pero hindi naman siguro totoo ito dahil sa tagal ng Probinsiyano sa TV imposible na makalimutan ng tao agad-agad si Coco Martin. Saka crowd drawer din si Coco na imposible hindi tilian.”

Sa huli inaanyayahan ni Manay Lolit Solis ang lahat na manood ng pelikula sa mga sinehan dahil napakalaki umano ng matutulong nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo