Sarah Geronimo Nalaos Na Daw Dahil Kay Mateo Guidicelli!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Sa latest episode ng Cristy Ferminute napag-usapan nila ang mga pahayag ng bashers tungkol kay Sarah Geronimo.

Ayon sa mga basher ng singer, nalaos na umano si Sarah Geronimo matapos ang pagpapakasal nito kay Mateo Guidicelli.

Dahil dito hindi napigilan ni Manay Cristy Fermin na masaktan para kay Sarah Geronimo. Subalit, tila ipinunto din ni Romel Chika na talagang may impact sa mga fans ng singer ang pagpapakasal nito sa aktor na si Mateo Guidicelli at ang nangyaring kontrobersiya sa pagitan nila ng ina na si Mommy Divine.

Gayunpaman, ipinahayag ni Cristy Fermin na may kanya kanyang panahon ang mga artista at singers.

"Lahat ng artista, Romel, may kani-kanilang panahon. Hindi ngayon at matindi talaga ang sikat ng biyaya ng kanilang karera habang ganoon, meron ngang tinatawag na ika nga, mababang estado. Yung low point ng kanilang karera, merong ganun talaga. Pero hindi naman natin pupwedeng sabihin na nalaos si Sarah Geronimo dahil kay Matteo Guidicelli."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo