Camille Ann Miguel Ipinatattoo ang Bahagi ng Mukha ni Jovit Baldivino!

Biyernes, Disyembre 23, 2022

/ by Lovely


Nagdulot ng labis na pagdadalamhati ang biglaang pagpanaw ng singer na si Jovit Baldivino. Halos hindi matanggap ng kanyang mga fans lalong-lalo na ang partner nito na si Camille Ann Miguel.

Kaya naman, tila sa labis na pagkamiss nito sa kanyang partner, ipina-tattoo ni Camille sa kanyang braso ang mga mata ni Jovit Baldivino.

Ayon kay Camille ang kanyang tattoo ay gawa ng tattoo artist ng JFF Blank.

Ipinahayag din ni Camille na sa kabila ng pagpanaw ni Jovit ay hinding-hindi niya parin ito makakalimutan.

"Gone but never forgotten. I love you,” caption ni Camille.

Marami naman ang nagbigay ng kanilang paghanga sa pagmamahal na ipinapakita ni Camille sa yumaong si Jovit Baldivino. Maging ang pagiging bukas sa publiko ni Camille sa kanyang mga nararamdaman ay umaani rin ng samu't-saring komento mula sa mga netizens.

"Ramdam ko po ang sakit na nararamdaman mo ms. camille...kung kami nga po na mga fans niya 'di maka move on ikaw pa kaya na partner niya💔😭 stay strong ka po alagaan mo po ang sarili mo marami pa nagmamahal sayo na mga fans din ni idol jovit...pag nakikita ko ang mga masasayang ala ala nyo d ko mapigilan ang di umiiyak," komento ng isang tagahanga ni Jovit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo