Brenda Mage, Natupad Ang Pangako Sa Ama, Nakapagpagawa Ng Bahay Ng Buong Pamilya!

Miyerkules, Disyembre 14, 2022

/ by Lovely

 

Masayang ibinahagi ng komedyante at online personality na si Brenda Mage ang kanyang mga naipundar ngayong taon.

Ayon sa kanya, hindi lamang sariling bahay ang naipundar niya kundi maging bahay ng kanyang pamilya.

Nakapagpatayo na si Brenda ng bahay para sa kanyang sarili, para sa kanyang lola, para sa kanyang ate at sa isang lalaking kapatid. Noon pa man ay ipinangako na umano niya ito sa kanyang ama at ngayon ay sa wakas ay naisakatuparan na niya.

“March 2022 nung inumpisahan ang bahay ko. Wala sa plano nadamay ang balay ng lola ko syempre nakisali din ang ate ko ayun nakisali din ang kapatid kong lalaki… o ayun na nga wala sa plano pero pinagkaloob ni Lord,” caption ni Brenda sa kanyang Facebook post kalakip ang mga larawan ng bahay na naipagawa na niya.

Labis namang nagpapasalamat si Brenda sa mga taong sumusuporta sa kanya lalong-lalo na ang kanyang mga followers na siyang may malaking parte kaya natupad niya ang dati'y pangarap lamang ng kanilang pamilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo