Alexa Ilacad Sinagot Ang Post Ni Tuesday Vargas Tungkol sa Pang-iisnub!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Tila nagbigay na ng sagot ang young actress na si Alexa Ilacad sa controversial post ni Tuesday Vargas kamakailan.

Matatandaang sa isang deleted post ni Tuesday ipinahayag niya ang kanyang pagka-inis dahil sa pang-iisnub umano ng dalawang baguhang artista sa kanya sa isang event. Sumingit din umano ang mga ito sa line up dahil ayaw maghintay.

Nilapitan umano niya ang mga ito upang magpakilala subalit inisnab lamang siya ng handler ng mga ito. Agad din naman niyang ibinahagi na humingi na nang paumanhin ang handler ng mga ito sa kanya.

Bagama't hindi pinangalanan ni Tuesday kung sino ang kanyang tinutukoy, agad na inisip ng mga netizens na ito ay walang iba kundi sina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Samantala nitong December 6, tila si Tuesday naman ang tinutukoy ni Alexa sa kanyang IG post.

 “Kung may problema ka saakin, GRABE!! ang ganda naman ng problema mo. char,” caption ng young actress.

Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang post na ito ni Alexa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo