Inis ni Matet De Leon Kay Nora Aunor May Katuwiran!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely

Napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang vlog ang sunod-sunod na hanash ni Matet de Leon laban sa kanyang kinikilalang ina na si Nora Aunor.

Ayon kay Manay Cristy dapat din namang unawain ng mga netizens ang mga pinanhuhugutan ni Matet de Leon kaya ito nakakapagsalita ng ganoon kay Nora Aunor.

Ibinahagi din ni Manay Cristy, ang mga pinagdaanan nina Matet at asawa nito bago ang nasabing negosyo na kinakompetinsya pa ng sariling ina.

Ipinunto rin ni Manay Cristy na hindi simpleng bagay ang ipinaglalaban ni Matet bagkus ang kanilang kabuhayan.

"Ang nakataya po dito, kinabukasan po nila. Kaya siya ganyan na lamang na nagtampo sa kanyang ina dahil kinalaban pa ang produkto na kanilang ibinebenta. Pero kung hindi po ito kabuhayan showcase, hindi naman po magkakaganyan si Matet," pahayag ni Manay Cristy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo