Valentine Rosales Hindi Nagustuhan Ang Pakiki-alam Ni Lolit Solis Kay Kim Chiu!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


 Tila hindi nagustuhan ng online personality na si  Vlentine Rosales ang pagpuna ni Manay Lolit Solis sa panonood ni Kim Chiu sa sikat na K-pop supergroup na Blackpink.

Ayon kay Manay Lolit Solis, dapat pagsabihan ng management si Kim Chiu at sawayin ito sa labis na paghanga sa Blackpink. Tila inaaya din umano nito ang iba pang mga Pilipino sa panonood ng mga ito.

Pinayuhan din ni Manay na dapat ay mas i-encourage ni Kim ang kanyang mga tagahanga sa panonood ng mga shows ng mga local artists.

Matatandaang ibinahagi ni Kim sa kanyang social media accounts na sa kabila ng kanyang hectic schedule ay naisingit pa rin niya ang panonood ng kanyang paboritong South Korean girlgroup na Blackpink.

Samantala, ayon kay Valentine, hindi dapat paki-alaman ni Manay Lolit Solis kung ano man ang gustuhing panoodin ni Kim Chiu. Sinabi din ni Valentine na paladesisyon si Manay Lolit Solis.

“Luh, ba’t mo pinapakelaman yung Idol ko, hayaan mo siya mag-enjoy at panoorin yung gusto niyang artists wag mo siya mandohan!” gigil na komento nito.

“Paladesisyon yarn?” aniya pa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo