BTS Suga Nagmukhang Si Ate Regine Sa Kanyang Bagong Hairstyle!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging bagong hairstyle ni Suga, myembro ng South Korean boy band na BTS.

Ibinahagi ni Suga ang kanyang new hairstyle sa kanyang Instagram account noong November 6. Kapansin-pansin na medyo mahaba ang curly niyang buhok na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha.

Agad namang kinilig at labis na humanga ang kanyang mga solid fans. Komento pa ng mga ito na kahit natatakpan ang kalahati ng mukha ni Suga ay napakagwapo pa rin nito.

“Yung natakpan na kalahati ng mukha pero guwapo pa rin.”

Ngunit kung may mga pumuri sa bagong look ni Suga, may mga bumabatikos rin nito. Ayon sa ilang mga netizens, inakala nilang si Regine Velasquez ito noong kabataan base sa kanyang hairstyle.

“Hindi mo kami maloloko Regine Velasquez hahaha,” komento ng isa.

 “Seriously akala ko si Ate Regine Velasquez noong kabataan niya hahaha,” dagdag pa nung isa.

May ilang pang kinukwestiyon ang totoong gender ni Suga na mababasa sa isang sikat na news portal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo