Throwback Photo Ng Kasal Ng Aldub at ‘Resibong’ May Anak Na Silang Kambal!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi sa social media ang throwback photo nina Alden Richards at Maine Mendoza na 'Aldub' kung saan muling pinag-usapan ang isang ultrasound result na nagpapakitang kambal ang anak ng dalawa.

Ang naturang mga larawan ay makikita mismo sa official Facebook page ng 'Eat Bulaga' noong Nobyembre 26, 2016. Sa taong ito, tapos na ang “Tamang Panahon” o tuluyang pagkikita nina Alden at Maine, na maituturing na makasaysayan sa Philippine television, at ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, tila ang mga larawang ito ang binabasehan ng mga Aldub Nation na kasal na at may dalawang anak sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Matatandaang, hindi pa rin naniniwala ang ilang mga Aldub Fans sa nalalapit na pagpapakasal ni Maine Mendoza kay Arjo Atayde. Ayon sa kanila, edited ang mga larawan ng dalawa at ginagawa lamang umano ito ni Maine dahil sa trabaho.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo