Kaye Abad Humagulgol, Anak Naiwan Sa Pilipinas!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Naantig ang netizens sa paghagulgol ni Kaye Abad habang nagpapaalam sa anak nila ni Paul Jake Castillo na si Joaquin dahil hindi ito makakasama sa kanilang bakasyon sa Amerika.

Dapat ay kasama si Joaquin sa US trip nila kasama ang pamilya ni Paul Jake subalit denied ang visa nito. Hindi na dapat sila tutuloy subalit na i-book na ang flight bago sila nag-apply ng US Visa for Joaquin.

Labis umanong nalulungkot si Kaye dahil si Joaquin ang dahilan kaya sila magbabakasyon sa Amerika.

“This trip was supposed to be three weeks but nung hindi makakasama si Joaquin hindi rin talaga kami sasama, cancel na kami kasi we felt bad na parang ano ba ‘yung use na sasama kami eh nakapunta naman na kami ng States, so we are really excited for him [Joaquin] but naka-book na kasi talaga before kami nag-apply ng visa for Joaquin…

So na-deny siya, naka-book na kami ng ticket pero we decide din na mas mahal kung ire-rebook ‘yung ticket namin para i-rebook siya to another country… so we decided na sasama na lang kami ni Paul Jake pero 10 days na lang kami there,” ani Kaye habang katabi si Paul Jake sa kanilang vlog.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo