Pinangalanan ni Cristy Fermin ang aktres na kusang gumagawa ng issue para mapag-usapan o free publicity!

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Sparkle

Tinalakay nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa "Showbiz Now Na" kaninang hapon ang mga artistang mahilig sa libreng publicity o sila mismo ang gumagawa ng mga isyu para mapag-usapan.

Nag-survey sila sa viewers ng kanilang YouTube channel at nanguna sa listahan sina Kris Aquino, Heart Evangelista, Carla Abellana, Nadine Lustre, at Sharon Cuneta.

Ipinaliwanag ni Morly kung bakit si Kris, “Aba naman hanggang sa maysakit na siya, ito pa rin siya pinag-uusapan. Gusto niya ang attention ng tao nasa kanya pa rin.”

Ang sumunod na binanggit ay si Sharon, na ayon sa inang Cristy, masakit sa damdamin ni Romel Chika na banggitin siya dahil idol niya ito.

“Oo, nahihirapan talaga ako rito (nagkatawanan sina ‘nay Cristy at Morly). Si Sharon Cuneta nakapasok siya rito sa libreng publicity. Dati-rati itong si Sharon na kasagsagan ng career ay hindi ito pumapayag sa mga ganyan na kailangan talaga (may) detalye na nakausap mo talaga siya at kung ano ang ginawa niya, pero ngayon, patok na sa kanya ng kung anu-ano lang,” kwento ni Romel Chika.

Nay Cristy poked,“Nagsimula ito sa kampanya sa halalan, sumunod itog Hermes na akala ng mga kababayan natin ay ini-enjoy niya kasi ‘yung sinabi niyang, ‘gusto ko lang namang bumili ng belt hindi ako pinapasok.’

Sabi agad ni Romel Chika, “Pa click bait. Pero dahil sa social media ay puwede na silang pag-usapan ng kahit ano magadan o pangit man, laban lang.”


“Ang mahalaga pinag-uusapan sila,” sabi ni Cristy.

“Itong susunod ay beripikado, e, paanong hindi mo sasabihing mahilig sa free publicity, si Heart Evangelista. Alam mo bang hindi naman siya rumarampa sa entablado? Rampa ng rampa lang siya sa kalye ng Paris kung saan-saan. Ang dami niyang pinupuntahan lakad lang siya ng lakad sa kalye, pictorial nang pictorial, video nang video, post nang post naman siya (at) kinakagat naman siya at saka itong hiwalayan nila di umano nitong si Senator Chiz Escudero. Ano ba namang (sabihin) ng diretso na ‘we’re not together anymore.’ Hindi ‘yung paikot-ikot na pumunta ka ng Paris (France) lumakad ka ng lumakad (at) may mga kutsara’t tinidor tapos nagpunta ka ng Cannes, ano lang free publicity lang talaga,” mahabang paliwanag ni Cristy.

Opinyon ni Morly, pinarampa ni Heart ang kanyang mga branded na damit, sayang naman kung hindi ito makikita sa social media.

Si Carla Abellana ay,“ang siste hindi siya nagsasalita kung ano baa ng dahilan ng tunay na hiwalayan nila (Tom Rodriguez) dahil kapag nagsalita siya ng tunay na dahilan, tapos na kaagad. Kaya pinaikot-ikot niya ang mga tao at hinayaan niyang magsalita at mag-isip ang mga tao ng kung anu-ano kasi nga libreng pinag-uusapan.”

Idinagdag ni Nay Cristy,“hanggang sa natuto na siyang gumawa ng sabon saka kandila (at) doon na niya nilagyan ng tuldok.”

“Ay doon niya pasasakayin (publicity) ngayon ang sabon at kandila,” opinyon ni Romel Chika.


At ang huli ay si Nadine na ayon ulit sa SNN host Romel Chika, “matalino itong babaeng ito, gusto koi to.”


“Ako naman gustung-gusto ko ‘yung itsura niya,” sambit ni ‘nay Cristy.


“Oo, gusto ko siya kasi artista talaga,” say pa ni Romel Chika.


Sabi pa ni nanay Cristy, “saka gusto ko mga disposisyon niya sa buhay kung gaano siya katapang kasi hinaharap niya.”


Sobra raw ang paninindigan ng aktres kahit kalaban na niya ang lahat.


Ano ang ginagawa ni Nadine na kakaiba para maging viral siya sa social media.


“Namasyal siya sa Siargao tapos walking-walking nan aka-two piece, bibili lang pala siya ng Mang Tomas (sauce) ni Ka Farmer. Masarap na sauce ni ka Farmer,” say ni nanay Cristy.


“Oo, puwede namang mag t-shirt di ba? O kaya nagbalabal. Pero iyon siya kaya lahat ng sasakay sa kanya, e, di ‘yun siya,” paliwanag ni Romel Chika.



Nakakaaliw panoorin ang mga SNN hosts na pinag-uusapan ang mga personalidad na mahilig sa publicity pero sa totoo lang ay hindi sapat ang mga pangalang binanggit nila dahil marami pa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo