Pia Wurtzbach Sasabak Sa Kauna-unahang Marathon Sa Amerika!

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Lovely


Buong pagmamalaking ibinahagi ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanyang bagong pinagkakaabalahan ngayon. Kasalukuyang nasa Amerika ang beauty queen upang sumabak sa kauna-unahan niyang marathon.

Masayang ibinahagi ni Pia sa kanyang Instagram account ang kanyang pagtakbo sa darating na linggo November 6, 2022. Ikinatuwa naman ito ng kanyang mga kaibigan at tagahanga na agad napa-komento sa kanyang posts.

"Finally arrived in NYC! 🗽
Taking it easy this week in preparation for the marathon this coming Sunday. So much feels being back in the city, a place I once called home."

Samantala, nauna nang inamin ni Pia na nahihirapan siya sa training sa muling pagpapabalik ng kanyang fitness. Ngunit, hindi ito naging dahilan ng kanyang pagsuko bagkus naging daan pa ito upang lalo niyang pagbutihan ang ensayo.

“I faced a lot of setbacks the past few months…di ko lang shinare kasi kinabahan ako (monkey emoji) I was worried I couldn’t do the marathon anymore cos I got sick twice and previously got Covid. I missed training days and some of those essential long runs so I was really worried,” pagbabahagi ni Pia sa isang post.

Dagdag pa niya, “My performance suffered. I couldn’t get the mileage in, and I was slower than before. Mabagal na nga ako bumagal pa lalo, and nobody ever mentioned na mentally maaffect ka rin pala sa ganon. When you miss those long runs or you fail at reaching goals during training, you get so disappointed in yourself to the point of wanting to give up. Durog ang confidence mo, wala ka nang gana.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo