Buntis ba si Sarah Geronimo kaya hindi siya tumatanggap ng mga out of town shows?

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Sparkle

Totoo ba ang tsismis tungkol sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo?

Naging isa ang singer-actress sa mga celebrity na talagang pinag-usapan noong nakaraang linggo at patuloy na pag-uusapan ngayon dahil sa kanyang Instagram post noong Sabado, October 30.

Kalakip sa bible verse Psalms 28:7 ang mahabang mensahe ni Sarah para sa kanyang pamilya at sa lahat ng taong sumusuporta sa kanya.

Humingi ng paumanhin ang singer-actress sa kanyang mga magulang sa mga naging desisyon niya at nagpasalamat sa mga taong naniniwala sa kanya at patuloy na sumusuporta sa kanya.



Pero sa ngayon, deleted na ang post sa Instagram page ni Sarah.

At isa nga ang Popstar Royalty sa mga artistang pinag-usapan ni Ogie Diaz sa YouTube channel nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

Ayon sa tsismis na buntis si Sarah sa unang anak ng asawang si Matteo Guidicelli.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi tumatanggap ang singer-actress ng mga palabas na out of town.

“Uy ano nga itong narinig ko Loi ha, saglit, oo, na ito raw si Sarah Geronimo, kaya hindi muna or hindi pansamantala na tumatanggap ng mga out of town shows ay dahil siya ay buntis na?” ani ni Ogie.

“Wow, kung totoo man ito, aba naku, I’m sure, ito na ‘yung sinasabi ng mga matatanda na mas mahal ang tubo kaysa sa puhunan.Baka ito na nga ang dahilan para lumambot na ang puso ni Mommy Divine dahil makikita na niya ang kaniyang apo kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.”

Aniya, maghintay na lang siya ng kumpirmasyon mula sa mag-asawa kung may katotohanan ang mga tsismis. Samantala, wala pang pahayag o kumpirmasyon ang kampo nina Sarah at Matteo hinggil sa balitang ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo