Miss Earth Australia, Ka Look-a-like Ni Taylor Swift!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


 Kandidata ng Austriala para sa Miss Earth 2022 ka look-a-like ng sikat na singer na si Taylor Swift.

Akala ng lahat na si Taylor Swift ang sasabak bilang Miss Earth Australia, but no, ka look-a-like lamang niya ito. Ito ay walang iba kundi si Sheridan Mortlock ang Miss Earth Australia.

Sa isang panayam sinabi ni Sheridan na sana'y makatulong sa kanyang pagkapanalo ang pagiging ka look-a-like ni Taylor Swift.

Ang napili naman niyang National costume ay halaw mula sa Swift parrot. Isa sa kanyang dahilan kung bakit niya ito napili ay dahil sa pagkakahawig nila ng singer. Ngunit, dagdag pa niya ang main reason kung bakit niya napili ito ay upang malaman ng lahat na kabilang ito sa mga critically endangered species ngayon sa mundo.

Pangarap ni Sheridan na maging isang pulitiko sa hinaharap. Kasalukuyang nasa Pilipinas ngayon ang dalaga upang makilahok gaganaping Miss Earth pageant dito sa bansa sa darating na November 29, 2022.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo