Karen Davila 2 Weeks Na Umiiyak Ng Malamang Walang Gamot Ang Autism Ng Anak!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


 Isiniwalat ng news anchor-vlogger na si Karen Davila ang ilan sa pinakamahirap na pinagdaanan niya sa kanyang buhay.

Sa naging inteview ng kapwa news anchor na si Korina Sanchez sa kanya, emosyunal na ikinuwento ni Karen na isa sa biggest challenge nilang magpamilya ay noong madiagnose ang kanyang panganay na anak na si David ng autism.

Ayon kay Karen, talagang umiyak sila ng kanyang mister ng malaman ang mental condition ng kanilang anak.

“David was born in 2002. At two-and-a-half years old, he was diagnosed as being on the autism spectrum. Pero hindi ko alam may autism siya. So nu’ng maliit si David, ang cute, cute niyang bata pero hindi nagsasalita, walang eye contact, hindi ako tinatawag na mommy, nothing,” kwento ni Karen.

Sinabi rin umano ng kanilang doktor na hindi nagagamot ang autism kaya labis silang nadurog.

Samantala, inamin din ni Karen na labis siyang natakot ng malamang nagbubuntis sa ikalawang pagkakataon dahil sa takot na baka ay may autism din ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo