Mga Nanay Maari Nang Sumali Sa Miss Universe Pageant?

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Tumatanggap na ng application ang Miss Universe Philippines Organization para sa mga magiging kandidata sa darating na Miss Universe Philippines pageant sa susunod na taon.

Samantala, nauna nang naiulat na may mga pagbabago sa qualifications ang Miss Universe kaya naman susunod rin dito ang Miss Universe Philippines.

Ayon sa ibinahaging announcement ng Miss Universe Philippines sa kanilang social media. Tumatanggap na sila ng aplikante, regarless of civil status. Ibig sabihin nito, bukas ang Miss Universe sa mga kandidatang married at widow.

Ngunit, hindi naman rito nilinaw na maaaring sumali ang mga kababaihang may anak na.

Hati naman ang opinyon ng mga netizens hinggil sa pagbabago ng qualifications. May mga hindi sumang-ayon na maaring sumali ang may mga asawa at dating asawa sa kompetisyon. Subalit ayon naman sa ilan na dapat iwasan ang discrimanation.

Ang Miss Universe Philippines ay tatanggap ng mga aplikate hanggang January 29, 2023.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo