Sen. Imee Marcos, Naghintay Ng 30 Years Bago Mapakinggan Ang Kanilang Story!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ni Sen. Imee Marcos na magkakaroon ng sequel ang pelikulang Maid in Malacanang.

"There will definitely be a sequel but it's still being written by director Darryl Yap. Thank you for organizing the screening of 'Maid in Malacanqang.' You even showed it in Utrecht," sabi ni Sen. Imee sa Filipino community sa Netherlands during her European trip.

Dagdag pa ng Senadora, "We waited more than 30 years to tell our story."

Si Sen. Imee ay siyang producer ng pelikulang Maid in Malacanang na pumatok sa takilya. Pumatok ito hindi lamang sa bansa kundi maging sa bawat bansang nagpalabas nito.

Nangangahulugan lamang na marami ang naku-curious sa side ng mga Marcos sa huling 72 hours ng mga ito sa Malacanang.

Samantala, hindi pa rin naiwasang batikusin ito dahil sa umano'y pagkakaroon ng historical distortions.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo