Heart Evangelista May Cryptic Message Sa Pagbabalik Pilipinas! 'Back with Vengeance'

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Sa pagbabalik ni Heart Evangelista sa bansa, nananatili pa ring tikom ang bibig nito sa usapin tungkol sa umano'y hiwalayan nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Ilang araw matapos ang pagbabalik Pinas ni Heart mula sa pagrampa sa iba't-ibang panig ng Paris. Muli nanaman itong lumipad pa Singapore upang dumalo sa isang luxury brand event.

Sa pagbabalik ni Heart sa bansa, agad itong nagbahagi ng isang get-ready-with-me video sa kanyang Instagram page.

Sey ni Heart, “Good morning Philippines. I am back with a vengeance. Welcome to the season 3 of my life!”

Matapos ang kanyang pagpapakita sa kanyang OOTD may makahulugang kataga pa itong sinambit. Ayon sa kanya, “You never know when its time for… I don’t know, to run away or something like that, charot!”

Samantala sa comment section, sinagot ni Heart ang komento ng isang fan na hindi niya inakalang magbabahagi ng video si Heart.

Sagot ng aktres, marami ang namamatay sa maling akala.

“Maraming namamatay sa ‘I thought’ dear. Go with the flow na lang darling. Pati ako maraming i thought. Kaya hayaan na dear."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo