Ion Perez Pinaluha Ang Madlang Pipol Sa It's Showtime!

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


 Naging emosyunal ang It's Showtime host na si Ion Perez sa pagbibigay ng kahilingan para sa kanyang kaarawan nitong Sabado.

Ipinagdiriwang ni Ion Perez ang kanyang espesyal na araw nitong sabado sa It's Showtime. Ayon kay Ion Perez may dalawa siyang birthday wish.

Ang una ay para sa kanilang kasamahan sa It's Showtime na si Vhong Navarro na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Taguig City Jail. May kinakaharap na patong-patong na kaso na isinampa ni Deniece Cornejo.

“Unang-una ay iyong si Brad Vhong, kasi tol, kapit ka lang. Kasi dumating din ako sa sitwasyon na ganiyan na feeling mo tinalikuran ka ng mga tao. Wag ka lang bumitaw, tol. Kapit ka lang. Kumapit ka lang sa paniniwala na may mabubuti pa ring tao, tol.” mensahe nito para kay Vhong Navarro.

Ang isa pa niyang hiling ay para sa kanyang ate na lumalaban sa stage 4 cancer.

“Kapit lang din tol sa ate ko na may pinagdadaanang sakit ngayon–stage 4 cancer. Ate, kung nanood ka man, wag kang sumuko dahil gusto kong makabawi sa ‘yo sa lahat ng sakripisyo mo sa akin. Kapit lang, ate. Kasi gusto na niyang sumuko pero sabi ko, ‘Kapit lang, ate, kasi gusto ko makabawi sa’yo. Kasi sa loob ng ilang taon, mas pinili niyang tulungan kami kaysa magkaanak, kaysa magkapamilya. Sinacrifice niya buong buhay niya… sana lumaban ka,” ani Ion para naman sa kanyang ate.

Agad naman siyang sinuportahan ng kanyang mga ka-showtime family particular na ang kanyang asawa na si Vice Ganda. 

Ayon sa kanilang ipagdadasal din nila ang kapatid nito at si Vhong Navarro.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo