Kalagayan Ngayon Ni Vhong Navarro Sa Taguig City Jail! Ito Na Siya Ngayon.

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


 Ibinahagi ng isa sa mga abogado ng aktor-host na si Vhong Navarro ang kalagayan ng aktor sa loob ng Taguig City Jail.

Ayon rito, naka-quarantine pa umano ang aktor hangang ngayon mula sa kanyang pagdating rito. Sa kanyang pagdating sa Taguig City Jail agad na sumailalim si Vhong Navarro sa isang medical exam, na isa sa mga requirement ng facility. Nasa mahigit 900 ang inmates ang nasa loob ng Taguig City Jail.

“OK naman. Under quarantine pa rin sya up to now," saad ni Garduque isang abogado ni Vhong Navarro.

Bukod sa pagkaka-quarantine, kailangan ding isuot ni Vhong Navarro ang yellow shirt uniform para sa mga inmates ng nasabing penal facility.

Samantala, matapos mailipat sa Taguig City Jail agad na nagbahagi ng mensahe ng pagsuporta ang kanyang asawa na si Tanya Bautista sa Instagram stories nito. Maging ang mga kasamahan ni Vhong Navarro sa It's Showtime ay nagpaabot rin ng kanilang suporta para sa aktor.

Matatandaang marami ang nakapansin sa pagpayat ni Vhong Navarro matapos ang mahigit isang buwan na pagkakabilanggo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo