Janno Gibbs Hindi Natanggap Ang Pahayag Ng Netizen Na Laos Na Siya!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


Tila hindi natanggap ng veteran singer na si Janno Gibbs ang naging pahayag ng isang netizen matapos ang release ng kanyang bagong kanta na 'Future Lover'.

Agad na ibinahagi ni Janno sa kanyang Instagram stories ang screenshot ng komento ng isang basher at ang kanyang isinagot rito.

Mababasa sa komento ng netizen na laos na siya ngunit pinipilit pa ring makasabay sa uso.

"Laos trying to be noticed and relevant," mababasang komento ng netizen.

Agad naman itong sinagot ni Janno at sinabing, "I feel sorry for your sad existence. I pray you find purpose in life."

Sa isa namang Instagram post, sinabi ni Janno na alam naman niya na marami ang hindi nagugustuhan ang kanyang kanta.

Sey ni Janno, "I get it. You don't like my new song."

Kaagad naman na nagpakita ng pagsuporta ang ilang mga fans ng singer at pinapagaan ang loob nito.Sey ng isa na huwag na lamang pansinin ang kanyang mga haters.

Ipinunto naman ng isa na talagang hindi mo mapagbibigyan ang lahat at hindi lahat ng tao ay gusto ang iyong ginagawa.

Matatandaang una nang inamin ni Janno Gibbs na talagang nasasaktan siya sa tuwing tinatawag na 'laos'. Gayunnpaman alam niya na kailangan na niya itong tanggapin dahil maraming nang mga bagong magagaling na singers. Nararamdaman na rin umano niya ito sa tuwing nawawalan ng proyekto.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo