Kalook-a-like Ni Nadine Lustre Pinagkakatuwaan Online!

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


 Nagbigay ng pampagoood vibes sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Junjun Salarzon kung saan nag-flex siya ng kanyang larawan na ka look a like ni Nadine Lustre.

“Hi this is me Nadine,” caption niya sa kaniyang Facebook post nitong November 24.

Agad naman itong umani ng reaksyon at komento mula sa ilang mga netizens na agad napansin na sa unang tingin ay talagang masasabing ito ay ang aktres-singer na si Nadine Lustre.

Subalit hindi pa dito nagtatapos ang good vibes dahil ginawan pa ito ng ilang mga memes ng mga netizens. Binigyan nila ito ng iba't-ibang pangalan gaya na lamang ng, 'Nadine-munyo', 'Nadine-lustred', 'Nadine-gue (Nadengue)', 'Nadine-goy', at iba pa.

Tila hindi naman na offend si Junjun bagkus ay natuwa pa dahil sa pagkakapansin sa kanya ng ilang mga netizens.

Samantala, hindi pa naman nagbigay ng komento si Nadine Lustre ukol sa kanyang ka look a like na ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo