David Foster Tumanggi Na Kay Jake Zyrus!

Linggo, Nobyembre 20, 2022

/ by Lovely


Naging bahagi ng usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa kanilang Youtube vlog ang kinahinatnan ng career ni Jake Zyrus sa Amerika.

Ayon sa kanila, palipat-lipat at walang maayos na tirahan si Jake Zyrus sa Amerika. Hindi na umano katulad ng dati ang natatanggap nitong proyekto, noong hindi pa nito binago ang kanyang katauhan.

Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin na nakarating sa kanya na tinanggihan na si Jakee Zyrus ng kilalang record producer na si David Foster na dating nagdalaa kay Charice sa international stage.

"Eto na nga. Nag-try pala na lumapit ulit kay David. Tinanggihan siya. Kasi nagkaroon pala ng argumento noon si Charice at ang mga namamahala ng kanyang karera sa Amerika. Na siguro ipinagtapat niya na talagang iba, may gusto ako na parang ayaw ng iba. Parang ganun. Siguro siya ay pinayuhan na 'no,' Stick to what you are. Ikaw man ay merong ibang nararamdaman at ikaw ay isang tibo, itago mo. Ang dami-daming tibo singer sa buong mundo na nagtagumpay."

Maging sina Cristy Fermin ay labis na nanghihinayang sa sinapit ngayon ni Charice Pempengco na ngayon ay kilala bilang Jake Zyrus.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo