Inalmahan nina Rita Gaviola at ng boyfriend nito ang kumakalat na komento mula sa mga netizens na umano ay umaasa lamang sila sa kanilang mga magulang sa mga pangangailangan nila at ng kanilang anak.
Ayon sa boyfriend ni Rita, may kita naman umano sila dahil pareho silang may stable jobs. Sila umano mismo ang nagpo-provide para sa kanilang binuong pamilya. Subalit, inamin din niya na minsan boluntaryong nagbibigay ang kani-kanilang mga magulang.
Ipinagdiinan pa nito na hindi sila humihingi mula sa mga ito.
Matatandaang sumikat si Rita Gaviola matapos kumalat online ang kanyang larawan at makapasok sa PBB. Ginulat nito ang kanyang tagahanga nang inanunsyo niya na magiging isang ina na siya.

Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!