Kapuso Turned Kapamilya Star, Bakit Di Na Aktibo Sa Showbiz?

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


Marami ang naggtataka dahil sa pananahimik ng dating Kapuso star at pagiging inactive nito sa showbiz matapos lumipat sa Abs-cbn.

Nagtatanong ang karamihan kung bakit tila nananahimik ngayon ang binansagan real life Darna na si Angel Locsin. Mahigit tatlong buwan na ito nananahimik sa social media at hindi namataan ng mga netizens sa kabila ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Matatandaang nangunguna palagi si Angel Locsin sa pag-aabot ng tulong sa ating mga kababayan na sinalanta ng mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Tanong ng marami, nasaan ngayon si Angel Locsin? Ano ang pinagkakaabalahan nito ngayon?

Samantala, dahil sa pagiging missing in action ng actress maraming mga lumabas na mga haka-haka na umano'y magpinagdadaanan ngayon ang aktres sa buhay mag-asawa nila ni Niel Arce. Ayon naman sa iba ay baka abala itong magpapayat at gugulatin na lamang ang mga netizens sa muling pagbabalik nito.

Nagsalita naman ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana. Ayon sa kanya, tila nagnanais lamang si Angel na isa-pribado muna ang kanyang buhay at iniiwasan ang ma-istress dahil sa social media.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo