Arjo Atayde Nagbahagi Ng Bagong Larawan Nila Ni Maine Mendoza!

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely


Muling nagbahagi si Arjo Atayde ng mga larawan nila ng kanyang fiancee na si Maine Mendoza sa kanyang Instagram account.

Abot-abot ang kilig ng mga tagahanga nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa bagong update na ibinahagi ni Arjo Atayde sa kanyang Instagram account. Ibinahagi ni Arjo ang kanilang sweet snaps ni Maine habang nasa isang bench kalakip ang napakatamis na caption.

"Memories with you are the ones that I treasure and look forward to everyday. I love you."

Kasalukuyang nagbabakasyon sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Amsterdam bilang celebration sa kaarawan ng actor.

Samantala, muling umingay sa social media ang pangalan ni Maine Mendoza matapos ipagpilitan ng ilang mga AlDub Fans ang pagkakaroon nito ng anak kay Alden Richards. May ilan pang naniniwalang edited lamang ang mga larawan ni Maine kasama si Arjo sa Amsterdam.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo