Xian Gaza, May Sariling Pananaw Sa Pang-iisnub Ni Heart Evangelista Kina Alex Gonzaga at Vicky Belo!

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely

 


Nagbigay ng opinyon si Xian Gaza hinggil sa 'biruan' nina Alex Gonzaga at Dra. Vicky Belo na inisnub umano sila ng fashion icon na si Heart Evangelista sa Milan Fashion Week.

Saad ni Xian sa kanyang Facebook post, "Ang chika ni Dra. Vicky Belo eh inisnub daw siya ni Heart Evangelista sa Milan. Eh kung ako kay Heart tapos ganyan suot niyo eh hindi ko rin talaga kayo papansinin."

Samantala sa comment section ng kanyang post sinabi naman ni Xian na hindi siya maporma ngunit kung ilalagay niya sa shoes na Heart Evangelista na sobrang fashionista tapos may nakasalubong na mga baduy talagang hindi kapansin-pansin.

“I'm not saying na magaling ako pumorma ha? Kasi baduy pa ko sa baduy. Wala akong taste pagdating sa fashion. Ang point ko lang, kung lalagay tayo sa katayuan ni Heart as international fashionista tapos may nakasalubong ka na dalawang Kabayan na baduy ang attire, de-deadmahin mo talaga eh. Nahiya siguro siya para sa kanila.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo