Anak Nina Andrew Schimmer at Jho Rovero Nagbigay Ng Nakakaantig Na Mensahe Para Sa Ina!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Patuloy pa ring lumalaban sa kanyang karamdaman ang asawa ng dating actor na si Andrew Schimmer sa kabila ng pagiging comatose nito.

Ayon sa update na ibinahagi ni Andrew kamakailan sa kanyang Facebook account, patuloy pa ring lumalaban, ang katawan, kaluluwa at puso ng kanyang asawa sa sakit. Ayon sa update ni Andrew, kasalukuyang comatose ngayon ang kanyang asawa.

Muling nananawagan ng tulong dasal si Andrew para sa paggaling nito at malampasan nila ang mabigat na pagsubok. Nabanggit din ni Andrew sa kanyang Facebook post na isang taon na ang kanilang pakikipaglaban sa sakit ng kanyang asawa na naratay na sa hospital

Ayon kay Andrew, "Good morning po mga kapatid, today is October 31, later after midnight November 1 ka isang taon po ng atake ng aking asawa ng 3am…GUYS PLEASE HELP ME PRAY FOR HER

😭😭😭🙏🏻nawa’y bigyan po sha ng ating panginoon ng lakas para malampasan nya po ang mga pagsubok na ibbgay po sa kanyang katawan at spirit ngayong all soul’s day po. Right now she is still under the state of comatose, Hindi po humihinto sa pakikipaglaban ang kanyang katawan at kaluluwa,at hndi po nag gi-give up ang kanyang puso😭🙏🏻kaya ako po ay hihingi ulit ng inyo pong mahalagang oras, sabayan nyo po kaming manalangin,iparinig po natin sa buong langit ang laman po ng ating mga puso and let our voices echo in their hearts😭😭🙏🏻 ipag dasal at ipaglaban po natin ang ating mga mahal sa buhay."

Marami ang naniniwala na kaya patuloy na lumalaban ang asawa ni Andrew ay dahil sa kanilang dalawang anak.

Samantala, sa mga videong ibinahagi ni Andrew makikita ang labis na pag-miss ng mga bata sa kanilang ina. Sa video makikitang sinusuklayan ng anak na lalaki nila Andrew si Jho. "I love you, mommy," sabi nito.

Hiling din nito na sana'y gumaling na ang ina at makakasama silang apat sa pamamasyal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo