RR Enriquez Sinabing Napepekian Sa Mga Hitsura ng Korean Stars! Pabor kay Sen. Robin Padilla!

Sabado, Oktubre 29, 2022

/ by Lovely


Sumang-ayon ang self-proclaimed Sawsawera Queen sa pahayag noon ni Sen. Robin Padilla tungkol sa hitsura ng mga Korean Stars.

Naging mainit na usapin kamakailan lamang sa social media ang naging budget hearing sa senado para sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na naganap noong Oktubre 18. Sa nasabing kaganapan, napag-usapan ng mga senador ang pagkakahumaling ng mga Pilipino sa mga foreign shows partikular na sa mga Korean Drama.

Ayon kay Sen. Robin Padilla, nagtataka siya kung bakit nahuhumaling ang maraming Pilipino sa mga South Korean Stars gayung mas mga pogi naman umano sila rito. Ipinunto rin ng senador na hindi ipinagawa ang kanyang mukha at kahit pa suntukin ang kanyang ilong wala siya kinakakatakot. Dahil hindi naman niya ito pinaayos.

Samantala, sa latest sawsawera vlog na inilabas ni RR sa kanyang Youtube channel nitong October 27. Sinabi niya pabor siya at nagustuhan niya ang pahayag ni Sen. Robin Padilla hinggil sa mga hitsura ng mga South Korean Stars.

Ayon kay RR, “Ako lang ‘to ah, medyo napepekian lang din ako sa kanila, tama naman si Mr. Robin Padilla… Everytime I see them, parang ang fake! Fake yung ilong, fake yung mata, fake yung lips, so… hindi na talaga natural for me. Mas maipagmamalaki ko pa rin naman ang mga Filipino actors natin, but of course, eventhough they are all retokados din naman, syempre hindi naman dapat natin sila jina-judge based on their looks… kasi magagaling din naman talaga silang umarte.”
 

Gayunpaman, sinabi ni RR na sana'y wag seryusohin ng publiko ang naging pahayag ni Sen. Robin Padilla hinggil sa mas pogi dahil tila nagpapatawa lamang umano ito dahil sa napakaraming problema na kinakaharap ng bansa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo