Angelica Panganiban Nakatanggap Ng Napakaraming Pagkain Mula Kay Kim Chiu!

Martes, Setyembre 27, 2022

/ by Lovely


Labis na nagulat ang aktres na si Angelica Panganiban matapos na makatanggap ng napakaraming pagkain mula sa kaibigang si Kim Chiu. Si Kim Chiu ay isa sa mga ninang ng baby ni Angelica.

Pabirong sabi pa ni Angelica na kinakabahan siya sa padala ni Kim baka umano ang hinging kapalit nito ay ang kanyang baby girl. Ayon pa kay Angelica, maari na umanong pakainin ang buong Makati sa mga padala ni Kim.



Isang linggo pa lamang ang nakakalipas matapos maibalitang nanganak na si Angelica Panganiban sa isang very cute na Baby Girl. Matatandaang ibinahagi din noon ni Angelica ang mga padalang gamit ni Kim Chiu para sa kanyang inaanak.

Pagbibiro pa ni Angelica, parang pinabitbit lamang umano ni Kim ang bata sa kanyang sinapupunan dahil parang ina ito kung makapagprovide ng gamit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo