Erik Matti, Sinabing Bastos si John Arcilla At Ang Star Magic!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay ipinahayag ng direktor na si Erik Matti na nabastusan siya sa aktor na si John Arcilla at talent management ng ABS-CBN na Star Magic ay mga bastos.


Si Direk Erik ang nagdirek ng award-winning na pelikulang On The Job: The Missing 8 na tumanggap ng pagkilala sa Venice Film Festival noong 2022. Ito ay isang malaking karangalan para sa Philippine entertainment industry at ito ay dapat na lubos na ipinagdiwang.


Kamakailan lamang, kinilala ng Senado si John sa pagbibigay ng ganoong karangalan sa bansa. Ang aktor at ang Star Magic, ay nagbahagi ng mga post sa kani-kanilang Instagram tungkol sa kaganapang ito. 


Gayunpaman, napansin ni Direk Erik Matti na hindi man lang binanggit ang pamagat ng kanilang pelikula.


“Ano kayang movie nakapanalo kay @johnarcilla ng Volpi cup? Ni hindi man lang nila mamention ni @starmagicphils yung movie na nagbigay sa kanya ng parangal?"


"Medyo inexpect ko na yun sa Abs na di magmention kasi nung may prangkisa pa sila ganun na sila e,”  pahayag ng director sa kanyang post.


Dagdag pa ng direktor, kung hindi pabor sa kanila, “dedma” lang sila pero hindi rin binanggit mismo ng aktor ang pamagat ng pelikula. 


Sinabi pa ni Direk Erik na ayos lang na hindi banggitin kung sino ang nasa likod ng camera na tulad niya pero ipinunto niya na sana ay binanggit naman nina John at Star Magic ang pamagat man lang ng pelikula.


“Ang Senado nga nirecognize mismong movie na pinanalunan mo pero ikaw di mo mamention? Lahat ng sponsor mo sa derma at diet mo minention mo yung movieng nagpanalo sayo di mo masabi?!! Bastos kayo!”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo