Omg! Sunshine Nag Enjoy at Nag Init Kay Xian Lim!

Walang komento

Biyernes, Hulyo 29, 2022

Ipinahayag ng sexy actress na si Sunshine Guimary na swerte siya sa pagkakaroon ng direktor na si Xian Lim.

Wika ng aktres, "Unang-una ang direktor namin ay napakagwapo, napaka-bagets. Bali, pang apat ko siyang direktor. Alam mo yun parang hindi ko naramdaman, 'yung kind of work. Sa script pa lang parang ang sarap niyang i-enjoy. 'Yun naman ang goal ni Direk na i-enjoy lang. So 'yung part na 'yun as in. Like ang swerte namin sa part na 'yun. Hindi siya istrikto sa script, sa mga lines. So we're so lucky na ito ang direktor namin."

Si Xian ang direktor ng Hello, Universe. Makakasama din ni Sunshine sina Janno Gibbs, Anjo Ilana, Gene Padilla, Benjie Paras, Mawie Taylor, Mj Cayabyab, Madeline Red at Joe Vargaz.



Sexy but sweet ang vibes ngayon ni Sunshine bilang si Lorin. Nilinaw din ng aktres kung bakit natagalan ang follow up movie niya after House Tour.

Talagang nag-enjoy si Sunshine na makatrabaho si Xian Lim. Ano naman kaya ang masasabi ng girlfriend nitong si Kim Chiu?

Kapamilya Jona- Balik GMA7?

3 komento

Masasabi na isa sa mga magagaling na ASAP performer si Jona kaya naman hindi nakakapagtataka na napasama ito sa ASAP Birit Queens.

Wala nang kontrata sa ABS-CBN at isa nang freelance artist si Jona. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit madalang na siyang mapapanood sa ASAP Natin 'To at mas napapanood na siya sa TV5 bilang hurado sa Sing Galing regular edition at Sing Galing Kids.

Ayon pa sa balita, ay may offer umano kay Jona na maghost sa musical show pero hindi niya binanggit kung anong TV Network. Posibleng GMA7 na ito.

Matatandaan na taong 2016, nang lumipat sa ABS-CBN si Jona mula sa GMA7. Si Jona ay isang produkto ng isang talent search ng GMA7 kung saan itinanghal siya bilang grand winner.

Ayon kay Jona, "Sa ngayon, wala pa akong naka-set na ASAP schedules so waiting ako kung kailan ako tatawagin. Flexible naman ako, parang open to any opportunities."

 

Ria Atayde at Mga Kapatid Full Support Sa Proposal Ni Arjo Kay Maine, Mga Kaibigan Nagreact!

Walang komento

Matapos lumabas ang mga balita na nagpropose na si Cong. Arjo Atayde kay Maine Mendoza kahapon, masayang kinumpirma ni Maine Mendoza na engaged na nga sila ng boyfriend.

Ibinahagi din ni Maine Mendoza ang engagement ring nila ni Arjo Atayde. Caption ni Maine sa kanyang Instagram, "Wait, whaaaat??? We’re engaged?!"



Ang engagement proposal ni Arjo ay naganap sa Tali Beach Nasugbu, Batangas.

Maging ang mga kapatid ni Arjo Atayde na sina Ria Atayde ay full support sa nasabing event. Ayon kay Ria Atayde, nagkaroon na sila ng bagong sister.

Maging si Arjo Atayde ay masaya ring sa kanyang account ang kanyang naging proposal. Caption naman nito sa kanyang post, "My turn, I will marry you cutie."



Kaagad namang bumuhos ang mga pagbati mula sa ilang mga sikat na personalities sa showbiz.

Wedding Proposal! Arjo Atayde at Maine Mendoza Engaged Na!

Walang komento

Kapamilya actor at Quezon City First District Congressman Arjo Atayde at Kapuso actress-TV host Maine Mendoza engaged na!

Trending at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naganap na proposal ni Arjo Atayde sa kanyang long time girlfriend na si Maine Mendoza.

Ayon sa source, naganap ang wedding proposal ni Arjo kay Maine, kahapon July 28, 2022 sa beach resort na pagmamay-ari ng mga Atayde sa Tali Beach Nasugbu, Batangas. Ilang mga residente sa nasabing lugar ang nakasaksi ng fireworks display. Mula umano ito sa lugar kung saan naganap ang engagement ng celebrity couple.



Samantala, wala pang inilalabas na pahayag mula sa kampo nila Maine at Arjo ukol sa nasabing engagement. Naging opisyal na magkasintahan sina Maine at Arjo noong December 21, 2018. Sa darating na December ay mag-aapat na taon na silang magkarelasyon.

Marami naman ang na-excite sa balitang engage na ang dalawa. Lalo na't dumaan na rin sa maraming pagsubok ang relasyon ng dalawa.

Grabe! Doktor Chao Yumol Binawian Diumano Ng Pamilya Ni Ex-Mayor Rosita Furigay!

1 komento

Binawian ng buhay ang ama ng Dr. Chao Yumol, ang suspek sa insidenteng nangyari sa Ateneo De Manila University, kaninang umaga July 29, 2022 sa Lamitan City, Basilan.

Kinumpirma ng Lamitan Police na ang yumao ay ang ama ni Dr. Yumol kaninang umaga around 6:30 - 7:00 A.M. Base sa report, naganap ang insidente kay Rolando Yumol habang nasa labas ito ng kanilang pinagmamay-aring tindahan sa Brgy. Maligaya.

Ayon sa pulisya, dalawang hindi kilalang lalaki ang tumumba kay Rolando Yumol habang nasa labas ito ng kanilang tindahan. Agad naman itong dinala sa Lamitan District Hospital ngunit ideneklara itong wala nang buhay.

Nagtamo ang ama ni Doctor Yumol ng apat na sugat ayon sa isang kamag-anak na humiling na huwag nang pangalanan.

Matatandaan na tatlo ang nasawi sa naganap na insidente sa Ateneo noong linggo July 24, 2022. Ito ay sina dating Lamitan Mayor Rosita Furigay, Assistant nitong si Victor Capastrano at isang Security Guard. Patong-patong na kaso ang isinampa kay Doctor Yumol dahil sa kanyang ginawa.



Sa ngayon, nagluluksa ang mga kamag-anak ng security guard ng Ateneo na nadamay lamang sa pangyayari. Hindi lubos akalain ng yumaong Security Guard na mangyayari ito.

Samantala, patuloy pa ring inaalam ng mga Lamitan Police ang nangyari sa ama ni Doctor Yumol kung may kinalaman ba ito sa insidenteng ginawa ng Doktor sa Ateneo de Manila. Nag-ugat ang galit ng Doktor nang ipasara umano ng dating Mayor ang kanilang clinic dahil kawalan ng permit.

Senator Robin Padilla Umaming Nahirapang Intindihin Ang Mga Debates Sa Senado!

Walang komento

Umamin si Sen. Robin Padilla na nahihirapan siyang intindihin ang mgad ebate sa senado kung saan puro English language ang ginagamit ng mga kapwa niya senador. Ngunit kahit hindi niya naiintindihan ang ibang malalalim na English na ginamit sa senado, sinabi nitong nakasulat sa journal ang naging usapin upang kanyang mapag-aralan at maintindihan.

"Kailangan ko lang mag-adjust. Hirap talaga ako dun sa Inglisan na malalalim. Lalo na yung mga usaping legal. Hinihingi ko talaga yung sa aking team na bigyan ako ng written, kung ano ang mga pinag-uusapan dun at pag-usapan namin ng Tagalog, kasi mahalaga sa lahat maipaliwanag ko 'yun sa taumbayan kung ano ang pinag-usapan dun."



"Nahihirapan lang ako pag nag-e-Englishan na, medyo 'pwede dahan-dahan lang? Ganon. Kaya mahalaga 'yung journal eh, kaya binabasa ko 'yung journal kasi nandun lahat eh, mahalaga 'yun," dagdag pa ni Sen. Robin.

Ayon pa sa Senador, nakatunganga siya habang nakikinig at tumatango na lamang. Ngunit nasa isip niya, na maiintindihan niya rin ito sa kanyang gagawing pag-aaral kinabukasan.

Ang journal ang unang hinahanap ni Robin sa pagpasok niya. Paglilinaw naman ni Robin na may naiintindihan naman siya kahit papaano.

"Hindi naman lahat hindi ko naiintindihan. Kapag gumamit lang sila ng mga English na pang-dictionary, marami talaga e. Ang journal ko, may mga linya. 'Pag may linya 'yun ibig sabihin kailangan ko ng dictionary."

Una ng sinabi ng senador na Tagalog ang gagamitin niyang language sa pakikipagdebate sa senado. Kaya naman, kahit hindi mapigilan ni Robin ang iba sa paggamit ng wikang English, ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang maintindihan ang mga usapin sa senado.

Ayon naman ng ilang mga netizens, hindi ang pagsasalita at pagkakaintindi ng English ang basehan ng talino sa isang tao. Dagdag pa ng ilan, na 'yung iba namang pulitiko na magaling mag-English magaling rin sa pangungurakot.

ABS-CBN's Umagang Kay Ganda- Magbabalik Na?

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media na magbabalik na umano ang morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda. Tiyak na marami sa mga Kapamilya fans na masaya sa muling pagbabalik ng Umagang Kay Ganda.

Ayon sa balita, na muling magbabalik ang nasabing morning show sa susunod na taon via A2Z. Matatandaang huling napanood ang Umagang Kay Ganda noong May 2020. Nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN natigil din ang nasabing show.

Ang Umagang Kay Ganda ay unang napanood sa TV noong June 25, 2007.

 

Just in! Angeline Quinto Engaged Na!

Walang komento

Ibinahagi ni Angeline Quinto sa kanyang mga tagahanga ang isang heartwarming photo kasama ang kanyang partner na si Nonriv at anak na si Baby Sylvio. Ang nasabing family photo ay kuha mula sa bakasyon nila sa isang resort.

Nagbahagi rin si Angge ng mga snap shots mula sa mga attraction sa nasabing resort na tinatawag na Lost Villa sa Quezon Province.

Post ni Angeline sa Instagram, "So much fun at @lostvillaquezon with my family! 🥰 I'm grateful that we got to spend a happy and relaxing time for @babysylvio ‘s first out of town trip! Of course, thank you very much to Lost Villa for being so accommodating! For bookings and inquiries, check out their instagram @lostvillaquezon and watch my very fun tour of Lost Villa on my newest vlog over on Love Angeline Quinto YouTube channel! Kitakits, mga ka-Twinkle!"

Marami namang mga netizens ang nakapansin sa suot-suot na singsing ni Angeline.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-viral ang vlog nito kung saan ipinapakita ang mga regalong natanggap ng kanyang mga anak mula sa mga ninong at ninang nito.



Yilmaz Bektas Namimiss ang Pilipinas Magbabaksyon Tuloy!

Walang komento

Yilmaz Bektas muling binalikan ang kanyang nakaraan nang siya'y bumisita sa Pilipinas. Ayon sa mga netizens maaring namimiss na ni Yilmaz ang bansa kung saan nabuo ang kanyang pamilya kasama si Ruffa Gutierrez.

Matatandaan na sinabi na noon ni Yilmaz sa kanyang mga followers na ipa-private na niya ang kanyang Instagram account dahil na-overwhelm umano siya sa mga messages ng mga tao tungkol sa relasyon nila ni Ruffa Gutierrez at pagkikita nilang muli ng mga anak na sina Lorin at Venice. Mas gusto umano kasi ni Yilmaz ng pribadong buhay. Ngunit tila nagbagi ang isip ni Yilmaz at muling ibinukas sa publiko ang kanyang account. Ngunit pipiliin lamang umano niya ang kanyang ia-accept dahil nag-iingat siya laban sa mga  fake accounts.

Samantala, sa nagpost si Yilmaz sa kanyang Instagram ng dalawang larawan. Sa caption sinabi niyang kuha ang mga ito sa Pilipinas noong 2003. Marahil ito ay noong panahong ikinasal sila ni Ruffa. Tila namimiss ni Yilmaz ang kanyang naging buhay dito sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya. Welcome siya sa mga pinoy at maging sa mga kamag-anak nila ni Ruffa hanggang sa kanilang paghihiwalay.



Matatandaang matapos ang kanilang naging bangayan sa media noong araw, muling bumalik si Yilmaz sa Pilipinas at sinabing aayusin niya ang relasyon nilang mag-asawa. Hindi naging sucessful ang kanilang pag-uusap ni Ruffa kaya naman muli siyang bumalik sa Istanbul at hindi na bumalik pa sa Pilipinas.

Base sa mga bali-balita nagka-usap na umano ang dating mag-asawa kasama ng kanilang mga anak na magbabakasyon din umano si Yilmaz dito sa bansa at isasama niya sa pagbabakasyon ang kanyang panganay na anak na si Ilknaz.

 

Vanessa Raval Ibinuking Ni Xian Gaza Tinawag Na Cheap, Squammy at Low Bre*ding

Walang komento

Vanessa Raval, tinawag na cheap, low breeding at squammy ni Xian Gaza dahil sa paggawa ng dummy account at pagdawit sa pangalan ni Skusta Clee.

Tinawag na cheap, low breeding at squammy ni Xian Gaza si Vanessa Raval dahil sa paggawa ng dummy account at patuloy na pagpopost tungkol sa isang rapper na umano'y nangungulit sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa naman nito pinapangalanan kung sino nga ba ito.

Tila inakala ni Vanessa na nagbibiro lamang si Xian nang sinabi nito sa komento sa post ni Skusta na kahit pangit umano ito ay hindi siya naniniwala na papatol ito sa isang pangit. Pabiro lamang na sinagot ni Vanessa ang komentong ito ni Xian. Nagsorry si Vanessa kung sakaling hindi siya pasado sa standards nito at sinabihan pa itong cute.

Makalipas ang ilang oras, nagpost si Xian at ibinuking si Vanessa Raval na gumawa lamang ng dummy account at ichinat ang sarili para sabihing may nangungulit sa kanyang pangit na rapper. Ayon sa kanyang mga video at post tumutugma lahat kay Skusta.

Matatandaang hinamon ni Skusta si Vanessa na pangalanan ang sinasabing nangungulit sa kanyang rapper dahil marami ang naglilink sa kanya sa isyu. Ngunit sagot ni Vanessa, hindi siya maaring magname drop.

Samantala, ayon sa post ni Xian, "So gumawa siya ng dummy account na ang pangalan ay Daryl Ruiz tapos chinat niya ang kanyang sarili and then ini-screenshot niya ito tapos inupload niya sa Facebook with censored name para magpanggap na may lumalandi sa kanyang rapper kahit pangit siya. Ibang klase ang cheapan ng babaeng ito. Hindi ko kinakaya. Very low breeding. So squammy. Yucks."

Sinuportahan naman ng maraming netizens ang nasabing post ni Xuan Gaza. Naglabas pa ito ng ebidensya na totoo ang kanyang sinasabi. Muling inupload ng mga netizens ang orihinal na screenshot ni Vanessa  na conversation umano nila sa nangungulit na rapper kung saan naroon ang pangalan ni Daryl Ruiz. Agad naman niya itong inalis at pinalitan nang larawang may nakatakip na sa pangalan ng rapper.

Kinuwestiyon din ng mga netizens ang typing format ng nasabing nangungulit umanong rapper kay Vanessa. Pareho umano ang caps lock, spacing, format at mga tuldok.



Samantala, muling nagpost si Vanessa na may isang dummy account na ginagamit umano ang pangalan niya. Ayon sa kanyang post, "Hindi ako matalino pag gumawa ako ng dummy account tas inupload ko din lahat ng pic ko." Ang nasabing account ay may pangalang Dande Lion.

Agad namang nabuking ng mga netizens na si Vanessa pa rin ang may hawak ng nasabing account dahil nakikita sa kanyang post na siya mismo si Dande Lion.



Marami namang mga netizens ang naiinis sa ginagawang ito ni Vanessa dahil tila nagpapasikat lamang umano ito.

AJ Raval Nag-live Sa IG: 'Wag Kayong Magpaniwala Sa Tsismis', Cristy Fermin Ano Na!

1 komento

Nag-live sa Instagram ngayong araw ang kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval para muling igiit na hindi siya buntis. Inabot nang 10 minuto ang pagla-live ni AJ kung saan makikita na inaayusan siya ng hairstylist habang nagbabasa siya ng script.

Hindi naman masyadong nagsalita sa video ang aktres maliban sa pagsasabing walang katotohanan ang buntis isyu.

“Shout out sa inyong lahat. ‘Wag na kayong magpaniwala sa mga chismis. Tsaka kahit ano'ng gawing eksplanasyon, ‘yung mga galit lang naman mga maniniwala ‘dun,” aniya.

“Lagi niyo na lang akong ini-issue tsaka inaaway, ayoko na ngang mabuhay sa mundo. Lagi n'yo lang akong ginagawan ng issue. Joke lang,” dagdag niya.

 

Vanessa Raval Sinupalpal Hamon Ni Skusta Clee!

Walang komento

Pulutan ng mga netizen ngayon ang “bardagulan” ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa at rapper na si Skusta Clee. Nag-ugat ito matapos ilantad ni Vanessa sa social media ang isang rapper na ayaw tumigil ng kaka-chat sa kanya. Dagdag niya, dapat magpokus na lamang daw ang “rapper na feeling pogi” at “pangit na cheater” sa anak nito.

Pumalag naman si Skusta Clee at hinamon si Vanessa na pangalanan ang tinutukoy na rapper dahil siya raw ang pinupuntirya ng mga marites. Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Vanessa ang post na ito ni Skusta at sinabing hindi siya maaaring mag-name drop dahil kahit nasa tama raw siya ay siya pa ang makakasuhan pero may pahabol siyang hirit na “sino pa ba?” sa kanyang post.

“Pre, Hindi nga Ikaw yon. Hindi ako pwede mag name drop Alam nyo naman sa pilipinas Kapag nag name drop ka sa social media khit Ikaw tama,? Ikaw parin kaksuhan. Sino paba?,” saad ni Vanessa.



Anong masasabi mo sa balitang ito?

Lolit Solis Sinabing Walang Utang na Loob si Ryza Mae Dizon!

20 komento

Lolit Solis sinummbatan si Ryza Mae Dizon matapos hindi nagpasalamat sa kanya hinggil sa isang taong libre na manirahan sa kanyang unit.

Wala umanong utang na loob si Ryza Mae, ayon kay Lolit Solis.

Naiinis ngayon si Lolit Solis dahil naalala niya si Ryza Mae Dizon na wala umanong utang na loob sa kanya. Hindi daw nito napigilang magsalita matapos makita si Ryza Mae sa Tv, naalala umano nito ang isang taong pagpapatira niya kay Ryza Mae sa kanyang condo unit nang libre.

Hindi man lamang daw nagpasalamat si Ryza Mae. Maging pagbati sa kanyang kaarawan at tuwing pasko ay hindi rin nito naaalala. Tila nadagdagan pa ang sama ng loob ni Lolit kay Ryza Mae matapos niyang magkasakit. Hindi man lamang umano ito nangumusta sa kanya.



Ayon sa ibinahaging update ni Lolit Solis sa kanyang Instagram, "Ayoko sana IG ito pero hindi ko lang matiis malaman kung ano magiging sagot, Salve. Alam mo ba na tumira ng halos 1 year na libre sa condo unit ko si Ryzza Mae ng Eat Bulaga dahil kay Malou Fagar ? Pero never nakaalala bumati ng birthday o Christmas. Never man lang nag thank you, kaloka ha. At ngayon nga, never man lang nagparamdam na kumustahin ako, bongga. Para bang utang na loob ko pa na tumira siya ng libre sa condo unit ko ha. Ayaw ko isumbat, naisip ko lang bigla kasi napanuod ko siya. Meron pala ganuon tao hindi naalala mga bagay na nagawa mo sa kanila, basta ganuon lang, parang hangin dumaan. Ok lang, wala naman problema, malay mo one day ako naman makitira sa bahay ni Ryzza Mae hah hah hah, as if."

Tila noon pang nagsisimula si Ryza Mae sa industriya ang tinutukoy ni Lolit Solis. Matatandaang mahirap lamang noon sina Ryza Mae at nagco-commute lamang ang kanyang ina para pumunta sa noontime show na Eat Bulaga.

Marahil ay nag-offer si Lolit Solis na doon na muna sila manirahan sa kanyang condo unit  dahil sa awa. Sa ngayon, ay mayroon nang magarang bahay si Ryza Mae at iba pang mga investment.

Ang Probinsyano- Pinataob ng Lolong?

Walang komento

Huwebes, Hulyo 28, 2022


Sa nalalapit na pagtatapos ng longest running teleserye na “Ang Probinsyano” kamakailan ay nagpost sa social media ang screen writer ng GMA7 na si Suzette Doctolero na nilalapa umano ng Lolong ang “Ang Probinsyano”.

Tila hindi pa rin umano nakapagmove on itong si Doctolero na pinataob din ng “Ang Probinsyano” ang karamihan ng kanyang mga isinulat na itinapat noon rito tulad ng Encantadia.

Ngunit ayon sa post ni Suzzete, "Ay pinataob niya ang Encantadia? Hindi. Lumalaban sa ratings ang Enca at madalas ay natatalo nya ang “Ang Probinsyano”, kaya unang nag-announced noon ang “Ang Probinsyano” na sila ay magwawakas na (2016) pero nanloloko lang pala at hindi naman totoo at gusto lang balikan sila ng audience. Gumigimik. Sa totoo lang ay style nila yan na kapag bagsak sila sa ratings ay gigimik sila na magwawakas na pero hindi pala. Susko since 2016 pa ay nagsasabi sila lagi na mag-eend na pero nanloloko. Ayan na naman sila, porke nilalapa sila ng Lolong. Asus tigilan ako. Also, at this point, pinakamatagal pa ring soap ang Daisy Siete na umabot ng 7 years. Tigilan ako! Hahaha. Char!"



Ez Mil Binati Ng Kanyang Girl Friend Sa Kanyang Ika 24th Birthday!

Walang komento

Kahapon, July 27, 2022, ipinagdiwang ni Ez Mil ang kanyang  ika-24 na kaarawan. Kasabay nito ay inilabas rin ni Ez Mil ang kanyang kantang “Ridin' The Moonlight” at ang official music video nito. Mapapanood ito sa YouTube channel ni Ez Mil.

Sa kaarawan ni Ez Mil ay binati rin siya ng isang manager niya at ka-birthday na si Usher Turek.

"I wish you success and fulfillment in the Music Industry as you help open up the door for all the thriving  musicians in the world or the universe rather- Your pure talent will bring you as far as your dreams can go! Just stick to your core values and God will direct you and give you the desire of your heart!

Happy Birthday Ez Mil"

Binati rin si Ez Mil ng kanyang girlfriend na si Rezzi Casta.

"Just want to greet the kindest, and sweetest person I know a happy happy birthday! Thank you for all that you do, for the patience and especially for the love you been showering not just me but all the people around you!

Beb, I got your back 4 life! Hope these 7 words are enough.
Ily bebi, boss mapagmahal bente syete. @ezekielmiller"


Marami rin sa mga supporters ni Ez Mil ang bumati sa kanya.

Celebrities Nagluluksa Sa Nangyari Sa Kanilang Kasamahan Dahil Sa Malakas Na Lindol Kahapon!

Walang komento

Nakakalungkot na nangyari sa mga celebrity na nakaranas sa malakas na lindol kahapon sa La Union.

Literal na nayanig sina Janno Gibbs at Sunshine Guimary sa malakas na lindol kahapon July 27, 2022 na yumanig sa Abra at sa mga karatig bayan kasama na ang Metro Manila. Malaking pinsala ang idinulot ng lindol na umabot sa magnitude 7.3 sa mga nasabing lugar.

Sina Janno, Sunshine at Joe ay nasa La Union para sa shooting ng pelikulang Hello, Universe. Base sa kanilang recent Instagram post, kasama rin nila si MJ Cayabyab at ang direktor ng pelikulang si Xian Lim.

"Here shooting in La Union. We felt the 7.1 magnitude earthquake, hard. Were near the epicenter, Vigan," post ni Janno sa kanyang Instagram.



"A traumatic earthquake I've ever experience, I insert myself under the TV shelves. Those moment getting out is not an option coz my dog is missing.

First shake didn't bother me sanay na ako, but in just a matter of second just a blink of an eye everythings change 7.1 magnitude strike! My heart explode, rattle, my nerves is shaking crying looking for my dog, sumiksik pala siya sa table lamp, #smartdog

Where here in La Union the epicenter of 7.1 magnitude hit I stay along the beach," post naman ni Sushine.



Samantala, walang update si Xian tungkol sa karanasan niya sa lindol.

 

Julia Halos Magselos Sa Sweetness Ni Gerald Anderson at Kylie Padilla Sa Switzerland

Walang komento

Magkasama sa isang proyekto ang Kapamilya actor Gerald Anderson at Kapuso actress Kylie Padilla. Kasalukuyang nasa Switzerland ngayon ang dalawa para sa shooting ng kanilang proyekto na pinamagatang Unravel.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatrabaho ang dalawang celebrities kaya naman, marami na ang nag-aabang lalon lalo na ang kani-kanilang mga tagahanga. Ibinahagi sa social media ang ilang behind the scenes ng naturang pelikula.



Kitang-kita ang nag-uumapaw na chemistry ng dalawa na gagampanan ang mga character nina Noah at Lucy. Hula naman ng mga netizens na isa itong romantic comedy movie base na rin sa mga napapanood na behind the scenes.



Under ito sa Mob Production na siya ring gumawa sa pelikulang A Faraway Land na pinagbibidahan naman nina Paolo Contis at Yen Santos.

Alden Richards, Kaya Starstruck Pa Din Kay Bea Alonzo!

Walang komento

Noon pa man ay humahanga na ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards kina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano makapaniwala si Alden na magkakasama sila ni Bea sa isang proyekto. 

Ayon kay Alden, "Hindi naman po lingid sa iba na sobrang fan ako ng Jhon Lloyd-Bea loveteam. Ever since, before pa ako magsimula sa showbiz. Sa totoo lang po, sa kanilang dalawa lang po ako na-starstruck buong buhay ko. So working with her, parang nabigyan ako ng chance to work with my idol. Parang ganun yung dating."

"Iba rin ang experience ko sa showbiz. 11 years na po ako rito. Patuloy pa rin po ang pagtupad ni Lord sa mga pangarap ko at ito nga po 'yun which is Start up Ph. Nagkaroon ako ng chance to get paired with Bea Alonzo," dagdag pa ni Alden.

Gusto talaga ni Alden na makapareha sa isang proyekto si Bea Alonzo. Kaya naman, laking pasasalamat niya na nabigyan siya ngayon ng chance at natupad ang kanyang pangarap.

Malapit nang mapanood ang Start-Up Ph. kaya naman nasasabik na ang kanilang mga tagahanga lalo na't puro magaganda ang feedback na natatanggap nito kahit hindi pa man ito nagsisimula.

 

Grabe! Kris Aquino Malala Na Ang Nararamdaman, May Pasabog Pa Rin Sa Made in Malacañang!

Walang komento

Inaasahan na ni Cristy Fermin ang maaring maging pahayag ni Kris Aquino sa showing ng pelikulang Maid in Malacanang. Ang Maid in Malacanang ay tungkol sa huling 72 hours ng mga Marcos sa Malacanang.

Nabanggit din ni Cristy ang tungkol sa kondisyon na Kris kung saan ayaw nitong madaig ng iba sa kahit na anong paraan.

Inaasahan na ni Cristy Fermin ang maaring pasabog ni Kris sa showing day ng nasabing pelikula. Ang pelikulang ito ay obra ni Direk Darryl Yap at marami sa mga tagasuporta ng mga Marcos ang nag-aabang na sa showing nito.

Samantala, hindi naman nakaligtas si Kris Aquino sa mga bashers tungkol sa pasabog nito. Ayon sa ilang mga netizens, dapat ang mas pagtuunan ng pansin ni Kris ngayon ay ang sariling pagpapagaling. Lalo na't makikita sa kanyang mga ibinahaging mga larawan ang pagbagsak ng kanyang katawan.

Marami naman sa mga tagasuporta ni Kris ang patuloy na nagdarasal sa paggaling ni Kris at sa panunumbalik ng dating lakas nito.



Derek Ramsay, Napamura Sa Prank Nina Ellen Adarna at Elias!

Walang komento

Napasigaw si Derek Ramsay sa prank nina Ellen Adarna at Elias gamit ang laruang daga.

Kamakailan ay nag-upload si Ellen Adarna ng isang video sa kanyang Instagram account. Idinetalye pa nito kung paano nila ginawa ng kanyang anak ang isang nakakatawang kalokohan sa kanyang asawang si Derek Ramsay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng kalokohan kay Derek Ramsay ang asawa at anak nitong si Elias gamit ang daga. Naging viral naman ang nasabing video na umabot na ng libo-libong views sa Instagram.

Alam naman ng lahat na noon pa lang ay takot na si Derek sa daga. Gayunpaman, ilang beses na rin itong pinagtripan ni Ellen gamit ang daga.

Makikita sa nasabing video si Elias na may hawak ng laruan daga habang nakasunod naman si Ellen na siyang may hawak ng camera. Lumapit ito kay Derek at inilagay sa ulo nito ang laruan. Nang mapagtanto ni Derek na isa itong daga, napasigaw ito at tila napamura pa. Maririnig naman sa nasabing video ang hagikhik ni Ellen Adarna.

Kinatuwaan naman ng mga netizens ang nasabing prank nina Ellen at Elias kay Derek Ramsay.



Lolit Solis Nag Reak Sa Anti Ghosting Bill Muling Naalala Si Bea Alonzo Ang Buong Detalye Alamin!!

Walang komento


Tila hindi pa rin tinantanan ng kolumnistang si Manay Lolit Solis ang aktres na si Bea Alonzo. Ginawa pa nitong halimbawa si Bea Alonzo sa isang bill na isinampa, ang panggo-ghosting.

Ayon sa balita, ang Anti-ghosting Bill na inihain ng Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. ay isang panukalang batas laban sa panggo-ghosting o ang umanong bigla-biglang pagtigil ng lahat ng uri ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang miyembro ng isang dating relationship. Tinatawag ng panukalang na isang uri ng "emotionl abuse" ang ghosting, na kailangan daw parusahan.

The lawmaker's proposal also defines dating relationship as a situation wherein the parties live as husband and wife without the benefit of marriage ar are romantically involved over time and on a continuing basis during the course of the relationship.

Likewise, the measure states that a casual acquintance or ordinary socialization between two individuals in a business or social context is not a dating relationship.

Samantala, muling bumanat si Lolit Solis sa kanyang Instagram account  kunsg saan si Bea Alonzo pa ang kanyang ginawang halimbawa sa nasabing Anti-ghosting bill.

"Natatawa ako na magkakaroon ng anti ghosting bill, Salve. Kaloka na ang magiging number 1 example nito si Bea Alonzo, hah hah hah. Sa tuwing pag uusapan ang ghosting, siya papasok sa isipan mo. Sa tuwing meron mag complain, parang si Bea ang maiisip mo. Teka, hindi ba unfair din lalabas kung ang sasabihin mong may kasalanan lang iyon nang ghosting ? Hindi ba dapat din malaman bakit siya na ghosting? Baka naman talagang gusto ng iwanan pero ayaw pa bumitiw, iniiwan na naghahabol pa. Hindi naman siguro isa lang ang may sala, it takes two to tango, so, pag na ghosting ka, ibig sabihin may dahilan. Tanggapin mo na pag ayaw na sa iyo, huwag ng masyado pang ipilit pag ayaw na. Like sa kaso ni Bea Alonzo, twice iniwan, may something na, kaya dapat accept na. Parang humahabol pa kaya nagiging issue. Bye bye na pag no more love, huwag na ipilit."



Tila hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang sinabing ito ni Lolit  Solis. Lalong-lalo na ang mga taong na-ghosting at nakaranas ng depression. Sa post ni Lolit, tila sinisisi pa nito ang mga taong iniwan na lamang bigla. Hindi porke't ayaw na ng isang tao sa isang relasyon ay may karapatan na itong basta-basta na lamang nang-iiwan ng wala man lang pasabi.

Bilang Ng Mga Nasawi at Nasugatan Sa Lindol Sa Luzon | Earthquake Latest Update

Walang komento

Umakyat na sa apat ang nasawi sa magnitude 7.3 na lindol sa Abra nitong myerkules, July 27, 2022 bandang 8:43 ng umaga.  Naramdaman ito sa National Capital Region at sa ilang karattig lalawigan.

Sa ulat mula sa Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sinabi ng kalihim na dalawa ang nasawi sa Bangued, isa sa Abra at isa sa Mountain Province. Umabot naman sa 60 ang injured.

Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol na umabot sa 7.3 ay naganap  8:43 ng umaga. Ang epicenter nito ay matatagpuan sa bayan ng Tayum sa lalim na 17 km.

Sinabi naman ni Pres. Sec. Trixie Cruz Angeles, na lilipad patungong Abra ang pangulo kung cleared na ang nasabing lugar. Nauna nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction Management Council spokesperson na nasawi ang construction worker dahil nahulugan ito ng mga debris.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailan ng mga taong nakatira sa apektadong lugar.

 

Vanessa Raval Ibinulgar Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Siya Puno Ng Tattoo Sa Katawan!

Walang komento

Si Vanessa Raval ay isa sa mga anak ng gwapo at sikat na aktor noong 90s na si Jeric Raval. Sa kanyang batang itsura ngayon, mayroon ng mga dalagang anak si Jeric bukod kay AJ Raval. Isa na rito si Vanessa Raval na sumisikat na rin ngayon bilang social media personality.

Napansin naman ng ilang mga netizens na tila iba ang imahe ni Vanessa sa kanyang amang si Jeric Raval at kay AJ Raval. Mapapansin kay Vanessa na halos puno ang katawan nito ng tattoo. Marami ang nanghuhusga kay Vanessa dahil rito.

Sinasabing hindi bagay sa isang babae ang pagkakaroon ng mga tattoo sa katawan. Marumi umano itong tingnan at tila hindi normal para sa isang Pilipina. Lalo na't kilala ang kanyang ama sa lipunan.

Dahil sa mga komentong ito ng mga netizens nagbigay na si Vanessa at diretsahang pinagsabihan ang mga mapanghusgang netizens. Ayon kay Vanessa,  TATAY KO NA HINDI AKO HINUSGAHAN SA PAGKAKAROON NG BURDADONG KATAWAN.

TAPOS IKAW NA WALANG AMBAG SA BUHAY KO PANGANGARALAN AKO NA MAY HALONG PANG HUHUSGA."

Samantala, ipinagtapat ni Vanessa kung bakit siya nagpapatattoo sa katawan. Kwento nito sa isang post, 14 years old umano siya ng maaksidente sa motor. Dahil dito, nagkaroon siya ng maraming pilat sa katawan. Ang naisip umano niya na patakpan ito ng mga tattoo, ngunit kalaunana nagustuhan na rin niya ito hanggang halos ang buong katawan niya ay pinalagyan na rin niya ng mga tattoo.



"nung akoy 14 anyos pa lamang

Isa sa mga dahilan bakit nagka tattoo ako, to hide my scars kahit ayoko magka tattoo dahil sa discrimination .
Hanggang sa tumagal na appreciate ko sya bilang art. At dahil kilala ko ang sarili ko, napatunayan ko na Totoo Ang salitang
‘HINDI LAHAT NG MAY TINTA MASAMANG TAO’"

Julia Barretto ‘nagpatambok’ Ng Puw3t

Walang komento

Wala talagang magawa ang mga Marites dahil naging pambansang aliwan na nila ang makisawsaw at makitsismis. Ngayon naman, iniintriga nila ang nobya ni Gerald Anderson na si Julia Barretto na umanoý nagparetoke.

Sa pinakabagong entry kasi sa kanyang travel vlog, ipinasilip ng aktres ang kanyang alindog habang nagsi-swimming at naliligo sa Sinumbulan falls sa La Union. Kinabiliban din ng locals ang kanyang lakas ng loob sa pagtalon sa nabanggit na falls.

Binisita rin niya ang pamosong Bahay na Bato sa Luna. Namangha siya sa local art pieces na gawa sa bato sa nasabing lugar. Hindi rin niya nakalimutang puntahan ang bayan ng San Juan na nag-surf siya sa tulong ng isang instructor.

May ilang netizen ding nakapansin na lumaki ang butt o puwet ng aktres kaya naman nagkaroon na ng espekulasyon na umano’y nagpa-enhance ng behind ang Viva artist.

May mga nagtatanggol namang hindi na dapat pagtakhan ang nasabing transformation ni Julia dahil alaga naman siya sa pagwowork out. Kumbaga, nakuha niyang patambukin ang kanyang puwet through natural means.

Speaking of her latest ganap, kamakailan lang ay pinasinayaan na ang first pop-up store para kanyang sariling accessories brand sa isang mall sa Quezon City. Present of course to grace the occasion ang kanyang boyfie na si Gerald na isa ring entrepreneur in his own right.

 

Nagsagutan! Skusta Clee at Vanessa Raval Nagparinigan!

Walang komento

Pinag-uusapan ngayon ang sagutan sa pagitan ng OPM rapper na si Skusta Clee at online personality na si Vanessa Raval. Ang pinag-ugatan sa kontrobersiya nila, nang sunod-sunod na magpost si Vanessa Raval tungkol sa isang rapper na pumoporma sa kanya.

Hindi man nito pinangalanan ang nasabing rapper, ngunit hinala ng mga netizens na si Skusta Clee ito. Mabilis na nagviral ang nasabing post kaya naman dumipensa si Skusta Clee sa pamamagitan ng isang cryptic message.

"Asa Naman."

"Pag wala nang choice pangalan ko na ang gagamitin. Aasim niyo uyy."

Hindi naman nakapagtimpi si Vanessa Raval sa nasabing post ni Skusta Clee at ibinahagi ang kanilang convo ng sinasabing rapper. Mababasa sa nasabing convo kung paano siya kulitin ng kachat na hinuha ng mga netizens na si Skusta Clee.



muling nakatanggap ng pambabash si Skusta Clee dahil sa ebidensyang inilabas ni Vanessa Raval. Kaya naman tila hindi na nakapagpigil at lantaran ding ikinall-out ni Skusta Clee ang pagdawit umano sa kanyang pangalan.

"Ms. Vanessa Raval,
I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone-- meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? 🙂
I'll be waiting."

Tila mabilis namang nakarating kay Vanessa ang post ni Skusta Clee, kaya naman mabilis itong sumagot sa social media.

"Pre, Hindi nga Ikaw yon. Hindi ako pwede mag name drop Alam nyo naman sa pilipinas Kapag nag name drop ka sa social media khit Ikaw tama,?Ikaw parin kaksuhan.
Sino paba?"

 Samantala, sa comment section ng post ni Skusta Clee makikita na maging si Xian Gaza nakisawsaw na rin sa isyu.

"HINDI AKO NANINIWALA NA PAPATOL KA SA GANUN KAPANGIT DAHIT TAYONG MGA PANGIT AY MATAAS ANG STANDARDS PAGDATING SA MGA BABAE. I STAND WITH SKUSTA CLEE!"

Sinagot naman ito ni Vanessa Raval. Tinanong umano niya ang ate niya kung kilala ba nito si Xian sagot naman ng ate nito si Xian ang cute na naka-yellow. Sa kanyang Facebook account naman, humingi siya ng paumanhi kay Xian kung hindi siya pasok sa standards umano nito.

Muling uminit ang mga ng mga netizens kay Skusta sa bagong isyung kinakasangkutan ngayon.

Maine Mendoza, Kaya Hindi Pa Papakasalan Ni Arjo Atayde

Walang komento

Miyerkules, Hulyo 27, 2022


Sinabi ni Cong. Arjo Atayde na hindi pa niya papakasalan ang phenomenal star na si Maine Mendoza para lamang magkaroon siya ng First Lady sa kanyang political career.

Darating din umano ang tamang panahon at hindi niya ito ipipilit kung para lamang sa pulitika. Dahil hiwalay umano ang pulitika at showbiz sa kanilang relasyon.

Dumalo sa unang SONA ng Pangulo si Cong. Arjo Atayde kasama ang ama nitong si Art Atayde at inang si Sylvia Sanchez. Hindi nakasama si Maine dahil may trabaho umano ito.

Sinabi din ni Arjo na kahit public servant na siya, ay gagawa pa rin siya ng proyekto sa showbiz at ipagpapatuloy pa rin ang kanyang acting career.



Proud Na Ipinagsigawan Ni Skusta Clee Na Isa Na Syang Single! | Detalye Ng Kanilang Hiwalayan!

Walang komento


Skusta Clee proud na ipinagsigawan na single na ulit!

Tila patuloy pa rin ang pagpapapansin ni Skusta Clee sa social media. Sunod-sunod ang mga cryptic post nito. Matatandaan, na ibinulgar ni Vanessa Raval na tila pinopormahan siya ni Skusta Clee ngunit ayaw niya.

Ngayon, pinag-uusapan ang latest video clip na ibinahagi ni Skusta kung saan makikita siyang nagdu-dub ng isang kanta na may linyang, "Ang sarap maging single."

Hinuha tuloy ng mga netizens, nagwakas kaagad ang relasyon nito sa Tiktoker na si Aira Mae Lipata. Matatandaan na naging sentro ng kontrobersiya ang dalawa dahil sa mga rebelasyon ni Zeinab Harake na na-involved si Skusta Clee sa isang bayaran.

Hindi man pinangalanan ni Zeinab kung sino ito, mabilis na lumabas ang pangalan ni Aira Mae at nadawit sa isyu.  Ito ay nangyari ilang linggo matapos ang rebelasyon ni Zeinab sa naging interview ni Zeinab para sa Youtube vlog ni Toni Gonzaga.

Usap-usapan ang naging hiwalayan nina Aira Mae at Skusta Clee ilang araw na ang nakakalipas dahil sa umano muling pagpaparamdam ni Skusta Clee kay Zeinab Harake.

Sa nasabing post ni Skusta, tila kinukompirma na nito ang hiwalayan nila ni Aira Mae. Ang rebelasyong ito ni Skusta Clee sa tila hiwalayan nila ni Skusta ay agad umani ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens.



Komento ng ilan na talagang hindi sineryoso ni Skusta si Aira Mae at ginawang palipasan lamang ng oras. Dagdag pa ng ilan, tila nais na muling  makipagbalikan ni Skusta kay Zeinab Harake.

Trending Ngayon! Aubrey Miles at Troy Montero Sweet Prenup Shoots

Walang komento


Viral ngayon sa social media ang prenup photos ng couple na sina Troy Montero at Aubrey Miles.

Isa sila sa mga hinahangaang celebrity couples dahil sa tagal ng kanilang relasyon na umabot na ng dalawang dekada. Marami ang humahanga sa kaseksihan ni Aubrey sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga anak at nasa 40s na.

Agad namang pinag-uusapan ang kanilang behind the scenes video kung saan makikita ang kasweetan ng mag-asawa.

"BTS from our shoot. Harot peg! Thanks everyone," post ni Miles sa Instagram.



Bagsik Ng Magnitude 7.3 Lindol Sa Abra!

Walang komento

 Bandang 8:43 kaninang umaga July 27, 2022, ginulat ng napakalakas na lindol na umabot sa Magnitude 7.3 ang Abra, Ilocus Sur. Itinuturong epicenter ng lindol ang bayan ng Lagangilang, Abra.

Sa border ng La Paz at Bangued, Abra makikita ang bitak-bitak na lupa at lumubog pa ang lupa malapit sa Kalaba Bridge. Marami rin ang mga gusali at kabahayan na nasira dahil sa lindol.

Samantala, nasa Abra na si DSWD Secretary Erwin Tulfo para i-assess ang nangyaring pinsala ng lindol sa Abra.

 

Oyo Sotto Ito Ang Kalagayan Ngayon Matapos Maaksidente at Isugod Sa Ospital!

Walang komento

Naaksidente si Oyo Sotto sa bike noong nakaraang linggo. Ibinahagi nito sa kanyang Instagram post na sumailalim siya sa isang surgery dahil sa aksidente.

Pinasalamatan ni Oyo ang Panginoon, sunod naman ang kanyang asawang si Kristine Hermosa sa pag-aalaga umano nito sa kanya. Maging ang kanyang mga doktor ay hindi niya nakalimutang pasalamatan.

 "God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this. Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you! To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga. To my doctors, maraming salamat sa inyo. Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times."


Ang Arthroscopic AC joint reconstruction ay ang pagsasaayos sa litid sa may balikat na naputol bunga ng isang aksidente.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na mahilig sa outdoor activity and sports ang pamilya nila Oyo at Kristine. Ilan dito ay ang biking, motor cross, swimming, hiking at iba pa.

Samantala sa mga oras na ito ay nakauwi na sa kanilang bahay si Oyo. Nadatnan niya ang welcome home card na gawa ng kanyang mga anak na labis niyang ikinatuwa.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagpapagaling para kay Oyo mula sa kanyang mga kaibigan.

Napaiyak Ang Lahat! Vic Sotto Inatake Sa Puso Dahil Sa Nangyari?

Walang komento

Sumailalim sa isang surgery si Oyo Boy Sotto matapos nitong maaksidente sa bisekleta. Hindi naman maiwasang mag-alala ng asawa nitong si Kristine Hermosa dahil sa nangyari.

Nagpapagaling na ngayon si Oyo Boy Sotto matapos maoperahan sa kanang braso dahil sa isang aksidente sa bisekleta. Sa kanyang pinakabagong post sa Instagram, sinabi ni Oyo na nasaktan niya ang kanyang sarili habang nagbibisekleta noong nakaraang linggo. Sumailalim siya sa Arthroscopic AC joint reconstruction surgey.

"God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this. Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you! To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga. To my doctors, maraming salamat sa inyo. Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times."



Si Oyo na 38 years old ay mahilig sa pagbibisekleta. Makikita sa kanyang Instagram page ang ilang mga larawan habang nagbibisekleta kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Minsan naman ay sina Kristine at mga anak ang nakakasama nito sa pagbibisekleta.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo