Paolo Contis Ipinagmalaki Ulit Ang Putahe Ni Yen Santos!

Miyerkules, Hunyo 29, 2022

/ by Lovely

Trending ang ipinagmalaking adobo sa social media ng aktor na si Paolo Contis.

"Ang sarap ng aking baong adobo," ani Paolo.

Bagama't hindi niya direktang sinabi kung kanino galing ang pagkain ay nagpasalamat siya sa tinatatawag niya 'babiikwooh'.

May patustsada rin si Paolo sa kanyang mga bashers at sinabing, "May libreng bashing pa 'yan mamaya."



Matatandaang, kamakailan ay nagviral ang kanyang post kung saan ibinida niya ang kaldereta na ibinigay sa kanya ng rumored girlfriend na si Yen Santos. Sa comment section ng nasabing post, nagpalitan sila matatamis na mensahe at pabiro pang sinabi na adobo naman sa susunod.

Agad namang nai-connect ng mga netizens at sinabing posible umano na kay Yen din galing ang ipinagmalaking adobo ngayon ni Paolo.

Matatandaan rin na hindi ikinatuwa ni Paolo ang pag-viral ng nasabing kaldereta post niya noon. Sa isang interview sinabi ni Paolo na naka-private ang kanyang Facebook account. Kakaunti lang umano ang mga friends niya, kaya tingin niya tinraydor umano siya sa isa sa mga ito.

Nagalit din ang aktor sa maraming negatibong komento ng mga netizens sa ginawang pagbibigay ni Yen.

( Hide )
  1. Mang aagaw ng asawa ng may asawa!!!! Imuran ka Las pag kana hayup ka!!!!

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo