Makagago Sinupalpal Si Jon Gutierrez Matapos Kampihan Sina Flow G at Pastillas Girl!

Lunes, Hunyo 13, 2022

/ by Lovely

May panibagong post ngayon si Makagago, kung saan binuweltahan niya si Jon Gutierrez matapos nitong kumampi kina Flow G at Pastillas Girl.

Mas uminit ngayon ang isyu sa pagitan nina Makagago at Jon Gutierrez. Matatandaan, na nagpost kamakailan si Jon Gutierrez sa kanyang Facebook page na kaagad naman nitong binura. Pinatamaan umano ni Jon si Makagago sa kanyang naturang post.

Nagsimula ang lahat ng banatan ni Makagago ang magkasintahang Flow G at Pastillas Girl. Ayon sa mga binitawang salita ni Makagago, magkatulad diumano sina Skusta Clee at Flow G na mga manloloko. Inilantad ni Makagago sa kanyang vlog ang umano'y pambabae ni Flow G na alam naman diumano ni Pastillas Girl.

Dahil sa sunod-sunod na pambabatikos ni Makagago kina Pastillas Girl at Flow G, umalma ang kaibigan nila na si Jon Gutierrez. Halatang-halata na kinampihan nito ang mga kaibigan na sina Pastillas Girl at Flow G laban sa vlogger na si Makagago. 

Ayon sa post ni Jon na kaagad naman nitong binura,

Turned your into his own arsenal! Panis pa din sa yo Clee!



Samantala, tila hindi nagustuhan ni Makagago ang deleted post na ito ni Jon Gurierrez. Agad itong nagpost sa kanyang Facebook page ng patama at tila babala kay Jon Gutierrez.

'Jon Aka King Badger, magingat ka sa pinopost mo, winasak na kita dati. Wasakin ulit kita….
Pag nagpost ka dapat matapang ka.
Wag kang magdedelete ng post,
Hanggang ngayon wala ka paring pinagbago. Parang dati lang,Nag asa-asawa ka tas nambabae ka… hay nako.,' post ni Makagago sa kanyang Facebook page.

Komento naman ng isang netizen rito, na naka-relate umano ito kay Skusta Clee dahil pareho silang cheater.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo