Zeinab Harake SANGKOT SA Awayan sa G-Side Nighclub IDINETALYE ng NakaSAKSI sa Insidente

Miyerkules, Mayo 25, 2022

/ by Lovely


Kumakalat ngayon ang mga larawan ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake na nasa labas ng G-Side Nightclub sa Quezon, City. Sa nasabing larawan, makikita na may kasamang mga kapulisan ang Vlogger habang nasa entrance ng nasabing establishment.

Sa isang larawan mapapansin na tila nakikiusap si Zeinab sa isa sa mga pulis. Ang ilan sa mga nakasaksi ay sinasabing may kasama ring abogado sila noong mga sandaling iyon. Ayon pa sa mga naksaksi ay galit na galit umano si Zeinab, mukhang may nakaalitan ito na nasa loob ng club.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na maiugnay sa isyu nina Skusta Clee at Zeinab Harake ang nasabing insidente sa kamakailang palitan ng cryptic post ng dating magkarelasyon. Kung saan nagpost si Skusta Clee sa kanyang Facebook account ng mga salitang, 

"Not my baby."

Hinuha ng mga netizens ay paparinig ito ng rapper tungkol sa bulong bulongan na hindi siya ang tunay na ama ng nalaglag na baby ni Zeinab. Kasunod ng nasabing post ni Skusta Clee nagtweet naman si Zeinab Harake ng,

 "Warning!!"

Na tila pagbabanta ninuman.

Habang ibinabalita ang nasabing kaguluhan sa nightclub na ayon sa mga nakasaksi ay naganap noong Linggo. Araw ng Myerkules naman ay may mensahe si Zeinab sa social media. Tinawag niya ng 'pangit' ang isang hindi niya tinukoy na personalidad.

Ani Zeinab sa kanyang pinaka bagong tweet,

"Pangit ka man sa paningin nila, tingin ko tama sila."

Sa comment section ng nasabing post may nagsasabing tila para kay Skusta Clee ang pahayag na ito ni Zeinab.

May pahabol pang tila pasaring si Zeinab ngayong araw, Myerkules May 25 sa kanyang Instagram stories.

If you want a good woman by your side, make sure you're a good man.

Love and sex doesn't keep a relationship strong, respect does.

Samantala may maikling mensahe rin si Skusta Clee sa kanyang IG stories, aniya rito.

Let's be nicer to each other we're all trying our best.

Sa ngayon ay usap-usapan ng mga nakasaksi ng insidente sa naturang club sa Quezon City, na ang kaalitan umano ni Zeinab doon ay isang babae. May pisikalan din umanong naganap.

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang pahayag ni Zeinab patungkolsa naturang insidente. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo