Lolit Solis Binuweltahan Ng Mga Netizen Sa Pagiging Bitter Nito Kay Bea Alonzo Na Napakabait

Biyernes, Mayo 27, 2022

/ by Lovely


Bakit nga ba tila napakabitter ni Lolit Solis kay Bea Alonzo?

Matatandaang kamakailan lamang ay may bagong banat na naman si Lolit Solis kay Bea Alonzo sa kabila ng pananahimik nito.

Narito ang banat ni Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo na ibinahagi nito sa kanyang Instagram account,

Paano kaya ang gagawin ng Beautederm na pag launch sa dalawa nilang endorser na sila Marian Rivera at Bea Alonzo, Salve. Kasi ang ganda ganda ni Marian Rivera kahit may 2 anak na, samantalang mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak . Imagine mo na sa presscon lang kita mo na ang big difference ng dalawa, si Marian, advance ng kalahating oras, samantalang si Bea LATE ng 2 oras. Grabe ang difference di bah ! Kaloka ! Eh mas sikat si Marian Rivera, mas maganda at mukhang bata pero hindi late dumating at hindi binigyan ng sakit ng ulo ang Beautederm, heto si Bea na parang starlet na lang ngayon, mukhang matanda, ewan bakit ghosting ni Gerald Anderson, at sa edad niya hangga ngayon wala parin anak pero mas maganda parin katawan ni Marian Rivera. Parang hindi na bagay si Bea Alonzo dahil sapaw siya sa beauty ni Marian. Saka dapat makakita na siya ng BF na hindi siya ghosting at pakasalan na siya dahil nagkaka edad na siya. Sana nga duon sa mga commercials nila na mukha siyang Tita ni Alden Richards mas maging mukha na siyang bata at fresh looking. Hay naku , lahat ng make up artists ipatawag na para mag ayos kay Bea at sana huwag ng sita ma late ha, sumakit ang ulo ng mga writers sa paghihintay sa kanya, at Bea Alonzo, huwag ka ng magpagod ipa cancel kami nila Gorgy at Salve, hindi namin pinangarap maghintay ng 2 oras sa isang starlet na tulad mo noh ! Kalokah !

Nagsimula ang mga banat na ito nang muling magkaroon ng launch sa bagong endorsement si Marian Rivera sa Beautederm kung saan nandoon din si Lolit Solis. Binigyan din siya ng surprise birthday ni Marian Rivera.

Sa kanyang Instagram ibinahagi niya ang mga pictures nang pagpirma ng kontrata nina Bea Alonzo at Marian Rivera. Sa caption nito, ipinagkukumpara nito ang dalawa. Puro pan-iinsulto ang sinasabi nito kay Bea habang pagpupuri naman kay Marian.

Samantala, tila wala namang basehan ang sinasabi ni Lolit Solis na mukhang mas matanda si Bea gayun makikita naman sa mga pictures nito na napaka-fresh at younger looking nito. Makikita rin sa mga larawan nitong nagblooming na masaya ito sa kanyang buhay ngayon lalo na't tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga projects.

Niresbakan naman ng mga taga-suporta ni Bea Alonzo si Lolit Solis sa pagiging immature umano nito. Komento pa ng ilan na walang masama kung wala pang anak si Bea dahil choice naman niya ito at tila wala umano itong pinag-aralan sa mga maling sinasabi nito kay Bea.

Dagdag pa ng isa, na napaka-close minded nitong si Lolit Solis. Laging nangungumpara ngunit mga mali rin naman ang sinasabi. Kung magpapabuntis naman si Bea, sasabihin naman nitong disgrasyada. Sirado umano ang utak. Sabi pa nito na dapat na umano kasohan si Lolit Solis dahil sa mga masasakit at masasamang salitang ibinabato nito sa actress na si Bea Alonzo.

Sa kabila ng mga masasakit na salitang ibinahagi ni Lolit Solis, nananatili pa ring tahimik at tila nagpapapasensya pa rin si Bea Alonzo. Na mas nakakabuti sa kanya at tila nagpapadami pa sa mga blessings at endorsement na dumadating sa kanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo