Sinagot Ni Zeinab Harake Ang Patutsada Ni Skusta Clee?! | Nagbabala

Martes, Mayo 24, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang controversial ex-partners na sina Skusta Clee at Zeinab Harake dahil sa kani-kanilang cryptic post. Kamakailan lamang ay hot topic online ang ngayong burado nang post ni Skusta Clee.

Wala mang malinaw na impormasyon pero saad nito sa naturang post,

Not my baby..

Agad naman itong umani ng samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. Ayon sa ilan na tila si Baby Moon ang tinutukoy dito ni Skusta Clee. Matatandaan na matagal nang usap-usapan na ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng dalawa ay hindi umano si Skusta Clee ang ama ng nalaglag na anak ni Zeinab Harake noon na si Baby Moon. Ito umano ang dahilan kung bakit hindi nagpakita kahit minsan si Skusta Clee sa naging burol nito.

Muling bumanat pa ito at tila pinaparinggan si Zeinab Harake na isang mababang uri ng tao sa kasunod na post nito. Hindi man pinangalanan ni Skusta si Zeinab sa mga post na iyon ngunit hinuha ng mga netizens ay para rito ang nasabing post si Skusta.

Ngayon, tila may sagot din si Zeinab sa mga post na iyon ni Skusta. Sa kanyang Tweet ani Zeinab, 'Warning!' Naka off ang reply section ng kanyang tweet kaya naman ni-retweet nalang ito ng kanyang mga fans na nahihiwagaan din kung ano ang nais iparating rito ni Zeinab.

Hinuha ng marami na ito ang sagot ni Zeinab sa mga naunang pasaring ni Skusta.

Gayunpaman hindi naman tinukoy ng ex-couple kung sino ngaba ang pinapatamaan nila sa kani-kanilang post.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo