Maine Mendoza Nagluluksa at Ilang Artista Sa Pagpanaw Ng Sikat Na Online Star

Miyerkules, Mayo 18, 2022

/ by Sparkle

Marami ang nagulat sa biglaang balita ng pagpanaw ni Jules Eusebio na kilala bilang isang magaling na Tiktoker. 

Kumalat ang balita ng kanyang pagpanaw noong lunes ng gabi, May 16, 2022. Ayon sa ulat, ang dahilan ng kanyang pagpanaw ay Severe Typhoid Fever. 

Noong nakaraang buwan ng Abril 2022 ay nagpabalik balik na umano ito sa Hospital. Ngunit mas pinalala pa raw ang kondisyon nito dahil sa pinagdaanan nitong depression na hindi naman tinukoy kung ano ang pinagmulan.

Batay sa kanyang titulo, sumikat si Jules sa online world dahil sa nakakaaliw nitong video ng pagdudub sa ilang mga sikat na linya ng mga celebrities sa ilang sikat na programa sa telebisyon. Matatandaan na kamakailan lamang ay muling nagdulot ng kasiyahan sa mga netizens dahil sa pagscoop nito kay Mariel Rodriguez Padilla ng mahulog ang electric fan nito habang nagla-live video. 

Ibinahagi pa ni Mariel sa kanyang Instagram at sinabing ito na ang paborito niyang tiktoker. Nakarating na kay Mariel ang malungkot na balita, at muling nagpaabot siya ng huling mensahe para kay Jules. Ani Mariel sa kanyang Instagram story,

"Hi Jules! Thank you again for this. You are so talented. Gawa ka ng maraming tiktok sa langit. Muli maraming salamat."

Napanood rin noon si Jules sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga noong December 2021. Sa naturang guesting, ikinuwento ni Jules na ang dubsmash queen na si Maine Mendoza ang kanyang iniidolo kaya halos maiyak siya nang magkita sila sa personal.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga followers ni Jules sa isa sa mga pinakahuli niyang post sa Instagram two weeks ago.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo