Lolit Solis Bumwelta Sa Management Ni Andres Brilliantes Nag Banta Pa Kayo Si Andrea Ang Pagsabihan

Miyerkules, Mayo 18, 2022

/ by Sparkle

Mukhang tumigil muna sa paghahanash sa social media si Andrea Brillantes matapos maglabas ng statement ng kanyang management. 

Ayon sa nasabing official statement ng Becky Aguilar Artist Management, ang mga kumakalat umano na mga tweets ay galing sa mga fake accounts at hindi mismo kay Andrea Brillantes. Nagbabala at pinapaalalahanin din ng nasabing agency na pwede nilang kasuhan ang mga nagpapakalat ng mga fake tweets na ito at may mga karampatang parusa rito. 

Kasalukuyang naka-focus ang kanilang legal team sa kasong ito. Samantala, nakarating kay Manay Lolit Solis ang pahayag na ito ng management ni Andrea Brillantes. Kaya naman muling nagbigay ng payo si Manay Lolit Solis sa management ni Andrea. Ayon sa kanya,

"Sa halip siguro na takutin ni Becky Aguilar ang mga nagko comment kay Andrea Brillantes ng cyber bullying, mas maganda Salvy at Gorgy na unahin niya kausapin si Andrea at pangaralan. Kasi nga baka dahil din sa mga posting ni Andrea Brillantes kaya nagkakaroon ng negative comments. 

Like iyong sinabi niya na mga bobo ang mga followers ni BBM, impossible na walang mag-react. Saka hindi nakukuha ngayon sa ganyan panakot ang mga tao, mas maganda na ayusin kung ano ang mali ng alaga para makaiwas pa sa gulo. 

Mabait si Becky Aguilar at palagay ko naman ay level headed siya para makita kung saan ang mali. Andrea Brillantes is still new, kaya madali pang ayusin. Kung gusto niyang maging big star, tingnan niya agad kung saan pwede meron siyang mali rubbing people the wrong way. 

Madali lang naman ayusin dahil mukha naman smart si Andrea. Sana nga maging eye opener sa kanya iyong mga comments para maging maayos ang lahat. Saka isa pang opinyon na sana huwag masamain nila Becky at Andrea, pwede naman maging vocal kung sino gusto mong suportahan, pero di ba mas maganda kung medyo classy iyong dating? Huwag barok? 

Kasi sabi ko nga mas bawas boto pag nainis yung iba, mas maganda swabe paki usap lang, mas maganda ang dating. Good luck Andrea Brillantes be a good girl, mas better."

Samantala, sa latest post naman ni Andrea Brillantes ay ibinahagi niya ang bagong endorsement niya. Kung saan tila sinabi niya na hindi totoo na nawawalan na siya ng mga endorsement.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo