Katotohanan! Angeline Quinto Sinagot Na Ang Isyung Piniperahan Siya Ng Kanyang Boyfriend

Miyerkules, Mayo 25, 2022

/ by Lovely

Masasabing masayang masaya ngayon ang actress singer na si Angeline Quinto dahil sa ika-nga 'new unlock journey' ang pagiging ganap na ina. Ito'y matapos nitong manganak sa kanyang first baby na si Baby Sylvio.

 Masaya rin si Angeline ngayon sa kanyang love life kasama ang tatay ng kanyang anak. Ang non-shobiz boyfriend nito. Mukhang natagpuan na talaga ni Angeline ang saya na matagal na niyang hinahanap. Ito'y kasama ng kanayang pamilyang nabuo kasama si Nonrev Daquina at Baby Sylvio.

Sa kabila ng kasayahan tinatamasa ngayon ni Angeline, hindi pa rin niya naiwasan ang mga salita ng mga mapanghusgang tao. Kinuwestiyon nila ang relasyon nina Angeline at Nonrev. Ayon sa ilang mga komento ng mga netizens ay pineperahan lamang si Angeline ni Nonrev.

Ang lahat ng mga isyu at akusasyon na ito ay matapang na sinagot mismo ni Angeline. Sa latest vlog na inilabas ng aktres singer, kasama niya ang kanyang boyfriend. Ito'y para sumalang si Nonrev sa kauna-unahang Q and A nito.

Dito naitanong ng mga netizens ang tunay na intention nito sa pakikipagrelasyon kay Angeline, kung dahil lang daw ba umano sa pera nito? Pabirong sagot ni Nonrev, na siya ang pineperahan ni Angeline. Sinang-ayunana at tinawanan naman ito ni Angeline na tila nagkakaunawaan talaga silang dalawa.

Kasunod, ipinagtanggol naman ni Angeline ang kanyang boyfriend at sinabing walang katotohanan ang mga isyung ito. Ang totoo pa umano ay mas madalas na gumastos sa kanya si Nonrev lalo na noong nagbubuntis pa lamang siya.

Madalas umano kung nagkukulang ang pambayad niya sa mga inorder niyang mga pagkain ay si Nonrev ang naglalabas ng pera para sa kanya. Lalo noong panahong nagca-crave siya nang pagkain sa gabi.

Inalala din ni Angeline ang moment na kailangan pang magpatransfer ni Nonrev sa kanyang G-cash mula sa bangko nito para lamang makabayad sa mga nabili ni Angeline dahil naubusan ng cash itong si Angeline.

Ipinagdiinan din niya na 'give and take' ang relasyon nila ni Nonrev at walang nagta-take advantage sa bawat isa sa kanila. Kaya naman hiling ni Angeline na sana'y itigil na ang pagpapakalat ng mga ganitong isyu sa kanilang dalawa.

Ang masisiguro lamang sa ngayon ay masayang masaya sila bilang isang pamilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo