Dahilan Ng Pag-alis Ni Liza Soberano Kay Ogie Diaz at Sumama Na Kay James Reid Sa Amerika

Biyernes, Mayo 27, 2022

/ by Lovely


Ogie Diaz  out na bilang manager ng kapamilya actress na si Liza Soberano. Si James Reid na ngayon ang bagong manager nito.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Showbiz News Update ay nagsalita na ang showbiz columnist at talent manager ukol sa estado ng kanyang pagmamanage sa Kapamilya actress na si Liza Soberano. Marami kasi ang mga lumabas na haka haka na mukhang hindi na siya ang magmamanage ng aktres matapos nitong makita na kasa-kasama ni James Reid sa Gold Gala Event sa Los Angeles, America.

May ilang mga isyu rin si Liza na nitong mga nakaraan na tila hindi masagot nang diretso ni Ogie Diaz.

Ngayon ay tuluyang kinumpirma ng Talent Manager na hindi na siya ang manager ng girlfriend ni Enrique Gil. Aniya, 11 years na din ang pagsasama nila ng dalaga buhat nang magsimula ito sa showbiz career nito. Aminado si Ogie na hindi naging smooth sailing ang naging relasyon nila ni Liza. Marami silang mga pagsubok na pinagdaanan at marami silang nalagpasan nang matiwasay.

Bago pa man mag-expire ang kontrata ni Liza ay tinanong na umano niya ang alaga kung nais ba nitong mag-renew ng kontrata sa kanya. Ngunit nagdesisyon ang aktres na huwag na, dahil nais nitong i-pursue ang career sa Holywood.

Bukal naman umano sa loob na tinanggap ni Ogie ang naging desisyon ni Liza at sinabing suportado nito kung saan magiging masaya ang kanyang alaga. Nabanggit din ni Ogie na malaki ang kanyang utang na loob kay Liza. Inamin rin niya na kaya lately ay magkasama sina Liza at James Reid ay hindi dahil may something sa kanila kundi dahil si James na umano ang bagong manager ni Liza.

Unti-unti na ring nagkakaroon ng transition ang team ni Ogie at ang team ni James Reid ukol sa pagmamanage kay Liza. Ngunit hindi pa sila nagkita sa personal upang gawin ang formal turn over ng management sa career ni Liza Soberano.

Wala rin umanong sama ng loob kay Liza ang talent manager na si Ogie Diaz.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo