Pahayag ni Melai Cantiveros sa PasigLaban inulan ng pambabatikos!

Martes, Marso 29, 2022

/ by Lovely


Trending ngayon sa social media ang pahayag ng kapamilya host at isa sa mga PBB Big Winner na si Melai Cantiveros habang naghohost siya sa PasigLaban Grand Rally ng tambalang VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Kasama niyang host sina Robi Dominggo at Julia Barretto. Pahayag pa ni Melai Cantiveros ayaw na umano niya sa mga magnanakaw sa gobyerno. Narito ang kanyang pahayag,

"Ayaw natin sa magnanakaw. Walang may gusto ng magnanakaw kung may record ng pagnanakaw, ekis na agad sa gobyerno. Lalo na pag di nag sauli. Alam mong magnanakaw.... ULIT!!! charoot! char! char lang.!"



Umani naman ang kanyang pahayag na ito ng samu't saring komento  mula sa mga netizens. May mga netizens man na nagsasabing puntong-punto ni Melai ang kanyang mga pasabog. May mga netizens naman ang nadismaya sa kanyang pinagsasasabi at binabatikos ang TV host.

Bagama't walang binanggit na pangalan si Melai kung sino ang kanyang tinutukoy na magnanakaw iniugnay naman kaagad ito ng mga netizens sa isa pang presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo